46

15 2 0
                                        

                             LONG VACATION

"Kasama ang isang tao na nakasama kong panoorin ito nung unang pag kakataon."


Napalingon ako kay Trisha ng marinig ko ang huling sinabi niya. Unang pag kakataon?


"Second Wish na, I wish na sana dumating na yung taong for me talaga, nakakatamad na kasi magpapalit-palit ng lalaki."


"Ano ba ang hinahanap mo?" Tanong ko at sinundan ng tingin ang tinitignan niya. "Hanap mo sa lalaking for you talaga,"



"Hindi ko naman siya hinahanap," Trisha. "Ang Love kusang dumadating yan, kung kayo, kayo talaga."



Tumango na lang ako bilang san' ayon sa sinabi niya. Naalala ko tuloy ang word of wisdom ng animal na Steven.



"Anak ng tawas! Kakatapos mo lang kumain may dala ka nanamang pag-kain?!" Bulyaw ko kay Steven ng makita ko siyang nakaupo mag isa sa sala.



"Kahit kumain ako ng kumain gwapo pa rin ako." Nakangising sagot niya ng makaupo ako sa tabi niya. "Bro, wanna hear 'kwentong Steven'?"



"Puro kalokohan lumalabas diyan sa mabaho mong bunganga!" Bulyaw ko ule sa kanya.



"Sige na makinig kana! Moon and Star!" Tuwang- tuwa na sabi ng hayop!



"Alam mo pag tinamaan ka ng pag-ibig kahit ayaw mo sa tao wala kang magagawa dahil siya yung para sayo." Lumingon si Steven sakin. "Pag tinamaan ka, aminin mo baka tinamaan din yung taong gusto mo."



"Wala kang kwenta kahit kelan!"



"Isa lang ang palatandaan ko," nilingon ko si Trisha na nakaharap sa daan papasok sa loob ng bahay. "Number 02." Pahabol niyang sabi bago naglakad paalis.



"Number 02? Anong meron sa number 02?" Tanong ko at umupo sa folding bed na inayos ni Tyler kanina bago makipag palit sakin.



"Anak ng! Anong nakakangiti sa towel na hawak mo?"



Napalingon ako kay Sky na may hawak na kumot at iba pang pwedeng magamit mamaya. Naka-taas ang kilay nito habang nakatingin sakin ng masama.



"Natutuwa lang ako sa kulay ng towel, masama ba?" Nakangiting sagot ko sa tanong niya bago kunin ang dala-dala niyang gamit.



"Weird, maniniwala sana ako kung rainbow ang kulay ng towel na hawak mo, pero hindi e' kulay puti ang hawak mo." Mataray nga naman ang mapapangasawa ng kaibigan ko.




"Mind your own business." Natatawang sagot ko.



"Umamin ka nga, nakadroga ka ba?" Nanlaki ang mata kong nilingon siya dahil sa tanong niya.



"Sira-ulo ka!"



"Anong pinag-usapan niyo ni Risha? Nakasalubong ko siya kanina sa labas e' ."




"Wala naman," nakangiting sagot ko at bumalik sa folding bed na kinauupuan ko kanina.



"Care to Share, monkey!"



"Psh, mimosa ka rin e' pero sige na nga dahil pinilit mo ako," sabay kindat ko sa kanya. "About two wishe's."



"Pinilit kita? Ang kapal mo naman kung ganun!" Sky. "Anong wish?"



Until The End Of The Game Where stories live. Discover now