Trisha Pov
Naging busy ang bawat isa samin. Hindi na rin muna namin nakakausap ng maayos sila Kharie.
May coach na rin kaming nag babantay so kelangan talaga focus sa pag prapractice.
Dahil dun ay puro pag mumuka nila Zane ang madalas naming makita.
Pag umaga ay hinihintay niya ako sa Entrance ng court tas kunyare sabay kami yun daw gusto niya, baliw lang eh no'?
Lagi siyang may dalang baon puro corny naman lahat ng mga pinag sasabi niya.
"Magandang Umaga sa dalagitang nasa harap ko ngayon." Gaya ng sabi ko siya nanaman ang nakita ko ngayong umaga.
"Pwede ba lubayan moko!" Inis na sabi ko.
Simula nung araw na nakipag sagutan ako kay Sowpi ay ganito ko na siya tratuhin. Ayoko masabihan ng malandi ulit dahil lang sa engot na to.
"Grabe ka, Pogi naman ako, Bat ba ayaw mo akong makita?" Tanong niya
"Nakakasawa ------puro muka mo nakikita ko." prangkang sagot ko.
Napahawak naman siya sa dibdib niya na para bang nasasaktan dahil sa sinabi ko.
"Hmp, Bad ka! Alam mo kahit ganyan ka?-----Lab pa rin kita HAHHAAHHAHA." Meh saltik ba ang lalaking to' lakas makahawa nyeta.
"Wala ka talagang kwenta kausap!" Sabay lakad ko palayo sa kanya.
Hindi ko alam kung bat hindi ko maiwasang mapangiti pag bumabanat siya ng ganun. Siguro ay nag mumuka na siyang clown para sakin.
"Ngiting aso ka Trisha." bungad ni Sky.
"May nakita kasi akong aso,"
"Mukang natamaan ka sa asong nakita mo, para mapangiti ka niya ng ganyan kalapad," Sky
Natawa naman ako sa sinabi niya, pero impossible namang mag kakagusto ako kay Zane psh! Clown lang siya para sakin.
"Tigilan mo nga ako Sky, hindi ako mag kakagusto kay Zane tsk!" Sagot ko
"Wala naman akong sinabing Zane, ang tinutukoy ko ay yung aso." natatawang sabi ni Sky.
Wala ba siyang sinabi na Zane?!
"Ikaw umaano kana ha! Labas na nga mag prapractice na taena'ng toh!" Pag iiba ko ng usapan, pakshet!
Lumabas na ako para hindi na ko kulitin ni Sky! Bat hindi ko inisip yun. Wala nga siyang nabanggit na Zane, kaloka!
"Let's start na! Baka sakaling makita pa ni Trisha yung ASO na sinasabi niya." tinignan ko ng masama si Sky dahil sa sinabi niya.
Gaya ng dati ako ang attacker pati si Sky attacker, minsan ako ang rightside hitter, nakadepende sa sasabihin ng coach namin.
"Mine!" sigaw ko ng makita ko yung bolang patungo saken.
Lumipas ang ilan pang minuto, basang basa na kami ng pawis. Wala 'atang balak mag pa break si Coach.
"Ali sigi, tira ng tira kahit pawis na pawis na!" Pag paparinig ko.
YOU ARE READING
Until The End Of The Game
FanfictionWelcome to Ga-Sic Series Game-Music Series. Game Series # 1 : Until The End of The Game This story is all about trust and love. Ano ang paniniwalaan mo ang maniwala sa nakita ng dalawa mong mata o sa sasabihin ng taong mahal mo. Sino ba talaga...
