LONG VACATION
La Union...
"Ilang oras na lang malapit na tayo." Sigaw ni Shawn, napalingon naman ako sa mga kasama namin.
Napalingon ako sa katabi kong tulog na nakahilig sa balikat ko, naalala ko tuloy kung ano ang reaction niya kagabi, naiiyak siya na hindi mapigilang ilabas ang matatamis niyang ngiti. Yaysss kesoo!!
Sinimangutan ko si Zane ng makita ko kung pano niya itago ang ngiti niya at kung pano niya ako iwasan ng tingin. Namumula din ang kan'yang pisngi kahit nakayuko siya nakikita ko pa rin kung pano niya itago ang ngiti at kung gano siya kapula ngayon.
"Bro, marami ka bang nainom? Bat ang pula mo?!" Tanong ni Tyler habang nakadungaw rin at sinisilip ang muka ng kaibigan niya.
"Pota ka! Manahimik ka!"
"Brad! May sakit ka ba?" Steven
"Tigilan niyo na yan, kinikilig yan! Matulog na tayo para maaga pa tayo----"
"Goodnight!!" Sigaw ni Zane at nag madaling pumasok sa tent nila.
Napailing na lang ako at hindi na sila hinintay pa pumasok na rin ako sa loob ng tent namin, bale ang kasama ko ay si Sky, bahala na si Shawn kung pano niya maihahatid sa tent nila si Kharie.
"Ready na ba ang lahat?" Tanong ni Shawn ng maipasok ang mga maleta sa Van.
"Wala naman na tayong naiwan--- tekaaa-- nasan si Steven at Tyler?" Tanong ko dahil kanina pa walang nag babangayan e'.
"Nasa Van, maaga silang nagising kanina para mag-ayos ng gamit--- tulog siguro sila." Kharie
"May kukunin lang ako!" Paalam ko at umakyat para kunin yung shades ko. "Gotcha!"
"Iniwan mo na lang sana yan." Napatalon ako ng bahagya at lumingon sa biglaang nagsalita.
"Oh? Kanina ka pa diyan?" Tanong ko kay Zane na nakahilig sa pinto, nakashades siya kaya hindi ko alam kung nakatingin ba siya sakin or what.
"Sinundan kita simula ng umakyat ka--- tara na maiiwan tayo!" Sabay abot niya ng sling bag ko, napangiti ako ng bahagya sa ginawa niya.
Sabay kaming bumaba at lumabas ng bahay, nasa labas na rin ang Van--- kami na lang ang hinintay, dumating na rin ang care taker nila Shawn.
"Limang minuto ka ng nakatingin sakin." Nanlaki ang mata ko ng bigla siyang mag salita at umayos ng upo.
"A-Anong lima?!!!---- Baka nga Isang minuto lang e'."
"Natulog ka ba?" Pag iiba niya ng usapan. "Bat ampula ng mata mo?"
"Hindi ako nakatulog, baka kasi magising ka pag gumalaw ako e'."
"Ginising mo na lang sana ako." Sabay tanggal niya ng Shades niya.
"Mukang puyat ka e' kaya hinayaan na muna kitang matulog. " sabay kindat ko sa kanya.
"Huwag mo akong kindat- kindatan diyan, Ilang minuto pa naman ang biyahe, matulog kana muna kahit saglit lang." May awtoridad na sabi nito at bahagyang tinapik ang balikat niya.
"Nagugutom ako--- hindi ako makakatulog pag gutom."
"Hindi ka ba makapili sa pag kain na nakikita mo diyan sa harap mo?" Tanong niya at tinuro ang harapan ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/221994918-288-k401282.jpg)
YOU ARE READING
Until The End Of The Game
FanficWelcome to Ga-Sic Series Game-Music Series. Game Series # 1 : Until The End of The Game This story is all about trust and love. Ano ang paniniwalaan mo ang maniwala sa nakita ng dalawa mong mata o sa sasabihin ng taong mahal mo. Sino ba talaga...