30

13 1 0
                                        

Zane Pov


Nasa condo kami ngayon ni Tyler, nambubulabog lang. Celebrate daw nila ang nagawa ko.




"Akalain mo yun, naiwasan ng isang Ramirez ang isang Santos ng ilang araw." Shawn





Tinupad ko ang gusto nilang mang yare iniwasan ko si Trisha ng matapos ang sleep over na yun ay hindi ko na ule kinulit si Trisha. Hindi ko alam pero punyeta kating-kati ako kanina ng makita ko siya sa coffee shop nila Kharie.





"Ang langit ay hindi ko nakamit," napangisi naman ako sa pinag sasabi ni Tyler.





"Eto, Hoy pusa patay na patay ka talaga sa langit na yun!" Steven





"Nahiya ako sayo Samantha!" Tyler





"Wow, sayong sayo na yung conyong yun!" Sabe ni Steven bago kinuha ang kinakain ni Shawn.





"Mag aminan nga tayo, mga gago kayo!" Shawn





"Walang nag drudrugs samin!" Sagot ko





"Ulo mo! Hoy ikaw!" Sigaw ni Shawn kay Steven.





"Hoy ako, bat ang pogi ko?!" Steven





"Daming satsat! May gusto ka ba kay Samantha?" Diretsahang tanong ni Shawn.






"Speed! Preno muna!" Sabe ni Tyler. "Blom! Blom!!" dagdag niya.





"Sagot o lagot!" Shawn, gagi san niya nakuha yung boteng yun!





"Eto na sasagot na!" Steven





"Sasagot din pala, e'." Shawn





"Hindi ko siya gusto." diretsahang sabe ni Steven " hindi ko lang alam sa susunod na araw."






"Ay shet!" Nag tawanan naman kami sa pag react ni Tyler, nakakabakla siya.






"Nayy, may paganun ka gago!" Sabe ko sabay bato ng unan sa kanya.





"Hindi ko naman natuturuan to," sabay turo niya sa puso niya, sabagay may point siya.






"Ikaw naman!" Duro ni Steven kay Shawn.





"Wala akong gusto kay Sam!" Direktang sagot ni Shawn.





"Gago, Kay Kharie?" Tyler





"Wala," sagot ni Shawn habang umiiling "Wala pa,"





"Tangiii, may paganun si koya!" Tyler





"Ang bakla mo!" Natatawang sabe ko bago binatukan si Tyler.





"Huwag mong patulugin, Ikaw may gusto kaba kay Langit?" Tanong ni Shawn.





"Saken?" Tanong ko habang nakaturo sa muka ko, saken siya nakatingin, e.





"Si Pusa, assuming ka," Steven





"Hindi ko alam," sagot ni Tyler "Ang alam ko lang balang araw magugustuhan ko siya."





"Corn beef ka!" Sabe ko habang tumatawa.






"Sige nga, Ikaw may gusto kaba kay Trisha?" Tanong ni Tyler saken.





Dapat pala hindi ko na inasar. May gusto ba ako kay Trisha? Tanga Zane sagot na. Hindi ko alam kung gusto ko ba siya kasi impossible naman. Pero may nararamdaman ako konte kaso hindi ko alam kung ano. Anong sasabihin ko?





Until The End Of The Game Where stories live. Discover now