37

16 3 0
                                        

Zane Pov



Hindi ko na kinuha yung kotse ko at nakisakay na lang kay Tyler papasok ng school.




"Bro, ano bang problema mo?" Tanong ni Tyler ng makababa kami ng kotse niya.




"Siya nga, hindi ko alam kung aamin pa ba ako o hindi na!" Sagot ko




"Alam mo bago mo problemahin ang isang babae, Isipin mo kung prinoproblema ka rin ba niya?" Tyler




Put---bat ba saken napunta ang gantong walang kwentang tao ?! Patience Zane.





"Walang kwenta!! Hindi ko nga alam kung ano tong nararamdaman ko yan pa kaya?!" Inis na tanong ko sa kanya.



"Ano bang----"



"Ano bang nararamdaman ko?! Naiinis ako sa tuwing may kausap siyang iba!! Naiinis ako sa pananamit niya----- minsan!!! Parang buo ang mundo ko pag naasar----- napapatawa at napapangiti ko siya!! Hindi ko alam ang gagawin ko pag hindi niya ako pinapansin or kinakausap!! Tyler tangina ngayon ko lang naramdaman toh!!!!!" Tuloy tuloy kong sabe. Hindi man lang siya nagulat, nakangisi lang siya na para bang ramdam niya ang nararamdaman ko peste!!!



"Matagal mo na siyang gusto," Mahinahong sabe niya. "Ngayon---- mahal mo na." Dagdag niya.


"Tangina! Ang gulo nga, gusto ko umamin pero puta hindi ko magawa!"



"If you love her, let her know. If you don't, stop acting like you do." Tyler




Minsan mas magandang hilingin ko na lang na walang kwenta ang lumabas sa mga bunganga nila. Ang hirap pala pag seryoso na silang kausap.



If you love her, let her know. If you don't, stop acting lIke you do. Paulit-ulit na sumasagi sa isip ko ang sinabi ni Tyler.



"Pag ba gusto kong ipaalam sa kan'ya----- ang ibig bang sabihin nun...Mahal ko siya?" Tanong ko kay Tyler.



"Kung pareho'ng sang-ayon ang isip at puso mo, edi iisa ang sagot." Nakangiting sabe niya at tinapik ako sa balikat.



"Parehas ang sinasabi ng isip at utak ko," nakatingalang sabe ko sa kanya. "I Love Her?" mahinang sabe ko bago ngumiti ng bahagya.




Hindi ko alam kung baket, pero nakaramdam ako ng kakaibang saya ng sabihin kong mahal ko siya.



"Sa wakas! Naamin din," natatawang sabe niya


"Malinaw na saken," nakangiting sabe ko.


Pag kapasok namin ng court, lumapit kami agad kanila Tristan kasama ang dalawang babae.



"Goodmorning Trisha," nakangiting bati ko sa kanya, tinignan naman niya ako ng nag tataka.



"Ang saya mo?" sabe niya



"Pag muka mo naman ang makikita bakit hindi 'di ba?" Nakangiting tanong ko at kinindatan siya.



"Tanga!" Natawa naman ako sa sagot niya.



"Anong meron?" Tanong ni Steven.



"Malinaw na sa kan'ya" Tyler



"Gago 'di nga?" Takang tanong ni Shawn.



"Anong pakiramdam?" Tanong ni Tristan.



"Sarap sa pakiramdam!" Sabay tawang sabe ko at inakbayan siya.



Until The End Of The Game Where stories live. Discover now