Chapter 2

99 22 0
                                    

CHAPTER 2

---


BAEKHYUN'S POV

Pagpasok namin sa loob ng bahay namin, Halos mapanganga ako sa sobrang laki. Para kang nasa palasyo, Ang gaganda ng mga muebles, May malalaking vase at may mga carpet sa sahig. May magaganda ding paintings na nakadikit sa pader, Agad kong nilapitan ang mga ito para tignan. Mahilig din kase ako mag painting lalo na yung mga Nature. Naagaw ng atensyon ko ang painting na Gitara. Muli ko nanamang naalala si Papa. Habang abala akong tinitignan ang mga paintings, Nakita kong lumapit si Mama saken.

"Pina painting pa namin yan, Nagustuhan mo ba anak?" Nakangiti na sabi niya habang hinawakan pa ang likod ko. Tumango naman ako.

"Opo ma, Lalo na yung gitara" Sabi ko habang tinuro ang painting.

"Para naman kahit papaano eh hindi mo makalimutan ang Papa mo, kaya ayan nagpapaint kami ng Gitara" Sabi ni mama saken. Ngumiti nalang ako bilang sagot.

"O siya! Tignan mo na ang kwarto mo" Sabi ni mama sabay sinamahan niya ako papunta sa magiging kwarto ko. Tinignan ko ang kabuuan ng kwarto ko, Sobrang ganda. Kasing ganda ko (chour lamang) Nakita ko din ang kapatid ko na nakaupo sa kama ko.

"Ang cute ng kwarto mo ate, Sana nagustuhan moto, Alam mo ba na ako ang nag ayos ng kama mo" Nakangiti na sabi ng kapatid ko habang kinurot kopa ang pisngi niya. Napangiti nalang din ako.

"Oo nagustuhan ko ng sobra, Maraming salamat!" Nakangiti ko na sabi ko sa kanya.

"Sige po ma, Magpapahinga nako" Pagpapaalam ko sa kanila habang tumango naman sila mama at kapatid ko at umalis na.

Napahinga naman ako ng malalim habang nakatingin ako sa kisame. Kinuha ko naman ang photo frame ni Papa na nasa tabi ko.

"Sobrang namimiss na kita, Papa! Sana hindi ka nalang namatay, Sana hindi mo nalang ako iniwan" sabi ko habang nakatitig sa frame na hawak ko, Hindi ko namalayan na umiiyak nako. Narinig ko naman na may pumasok sa loob ng kwarto ko kaya agad kong nilagay ang Photo frame na hawak ko sa tabi ng cabinet kong maliit at pinunasan ang luha sa mga mata ko. Nakita kong pumasok si Baekbeom at nakita ko na may dala siya. Agad niyang inabot saken ang dala niya na kinatuwa ko kahit papaano. Isang maliit na kulay pulang gitara

"Salamat, Baekbeom!" Nakangiti kong sabi sabay niyakap ko siya. Tumabi naman siya saken.

"Ate, Wag kana pong sad. Binabantayan ka lang naman ng Papa mo palagi" Sabi niya habang nag pout pa siya sa harapan ko.

Kitang kita ko kung paano siya naging concern saken na kahit hindi ko siya kadugo sobrang lapit ng loob niya saken.

"Baekhyun, Baekbeom! Kakain na tayo!"

Naputol lang ang drama mode namin na tawagin kami ni Mama sa ibaba para kumain.

"Tara na ate, Kakain na daw po" Pang aaya niya saken sabay hinawakan pa ang kamay ko. Napangiti naman ako sa inasal niya.

"Hehehe, Okay sige susunod nalang ako sa baba" sabi ko naman sa kanya at nauna na siyang lumabas ng kwarto.

𝑻𝒉𝒆 𝑬𝒅𝒈𝒆 𝒐𝒇 𝑵𝒆𝒗𝒆𝒓 [𝑪𝒐𝒎𝒑𝒍𝒆𝒕𝒆𝒅]Where stories live. Discover now