Chapter 10

49 21 0
                                    

BAEKHYUN'S POV

Nandito na ako ngayon sa Daffodil Homes, Sobrang lamig. Kahit nakasuot nako ng jacket, Agad kong niyakap ang sarili ko. Halos mabingi din ako sa sobrang katahimikan ng paligid. Walang katao tao ni isa man lang. Naglakad lakad muna ako sa iba pang lugar hanggang sa makita kong may Park pala dito. Halos atakihin naman ako sa puso na may sumulpot na lalaki. Napangiti naman ako na makita siya.

"Hello!" Nahihiya ko na bati sa kanya. Nilapitan naman niya ako at kinausap. "Hi! Akala ko hindi na kita makikita ulet, I'm Park Chanyeol and you?" Nakangiti niyang pagpapakilala saken at inabot ang kamay niya saken. "I'm Byun Baekhyun, Nice to meet you!" Nakangiti din na sagot ko sa kanya sabay hinawakan ang kamay niya. Na shookt naman ako dahil sobrang lamig ng kamay niya. "Ba't anlamig ng kamay mo?" Nagtataka kong tanong sa kanya. Napatawa naman siya ng kaunti, "Sobrang lamig ba naman dito sa lugar na to, Ewan ko nalang hindi ka mag ala freezer" Biro niyang sabi saken sabay tumawa siya. Tumawa na din ako. "By the way, Palagi kitang nakikita kahit saan man ako pumunta, Are you stalking me?" Tanong ko ulit sa kanya sabay napatawa naman ulit si Chanyeol. "Nope, Sadyang nagkukrus lang tayo ng tadhana. By the way, Bakit ka naman nandito?" Seryoso naman na tanong ni Chanyeol saken. Napahinga naman ako nang malalim bago sumagot. "May problema kase ako, Ayaw nilang gumamit ako ng Gitara-" Naputol ang sasabihin ko na sumingit siya. "Wow! Mahilig ka din pala mag Gitara?" Nagniningning ang mga mata ni Chanyeol habang kausap ko siya. Nashookt naman ako, "Really? Ikaw din pala!" Nakangiti na sabi ko sa kanya sabay nakita kong tumango siya at nagtawanan kaming dalawa. "Ayun nga, Gusto kasi nilang makalimutan ko si Papa kaya nilalayo nila saken ang Gitara. Mentras kasi na nilalapit ko ang loob ko sa bagay na yun, Hindi ko makakalimutan si Papa" Malungkot na sabi ko sabay napayuko. Hinawakan naman niya ang likod ko para icomfort. "Mahal na mahal mo talaga ang Papa mo no? Naiintindihan kita. Ganun talaga pag mahal mo ang isang tao, Hinding hindi mo siya makakalimutan, Pwera nalang kung ifoforce mo ang sarili mong kalimutan siya" Sabi naman ni Chanyeol sabay tumingin sa kawalan. "Hehe...Salamat Chanyeol ha? Kasi naiintindihan moko, Salamat sa pag cheer up!" Sabi ko sa kanya habang nag blush nang kaunti. Tumango naman siya habang ngumiti din. "By the way, Nagka girlfriend kana ba?" Pag iiba ko ng tanong sa kanya. "Wala, Iniwan niya ako eh! Nagsawa na saken!" Malungkot na sabi niya saken. Kahit pala gwapo ka, mabango ka at matangkad ka. In short nasayo na ang lahat, Ipagpapalit kapa din ng tao. "Pero ngayong nandito kana, Alam kong hindi nako nag iisa" Naka smirk na sabi niya saken. Medyo nailang naman ako sa kinilos niya pero hindi ko nalang pinahalata.

Tinignan ko ang orasan sa phone ko, Ala dos na ng madaling araw. Baka hanapin din ako sa bahay namin. Agad na din akong nagpaalam sa kanya. Magkikita pa daw kami palagi, Napangiti naman ako sa sinabi niya. Aalis na sana ako na makitang may kotse na humarang sa dadaanan ko. Nagulat naman ako na makita yung tatlong buwisito na lalaki na nang bangga saken nun sa Campus. Ano nanaman kayang pakay nila? bahala na nga.

"Miss, Gabing gabi na ha? Bat nandito kapa? Mahirap na baka mapano kapa" Nakangisi na sabi ng isang lalaki na kasama nila at inikutan pa ako. Nakaramdam naman ako ng kaba ng mga oras na iyon at Hindi ako makagalaw. "Oo nga pre, Maganda pa naman. Samen ka nalang sumabay, Hindi magiging sayang ang ganda mo" Nakangisi din na sabi ng isa pang lalaki sabay nagtawanan sila. Agad namang lumapit yung dalawang lalaki at hinawakan ang braso ko. Nagpupumiglas naman ako habang nagsisi sigaw. "Tulong! Tulungan niyo ko! Ano ba! Bitawan niyo nga ako!" Inis kong sabi habang nagpupumiglas ako sa bisig nila.

"Bitawan niyo siya!"

Lumiwanag ang mukha ko na marinig ang boses ni Chanyeol. Agad naman akong binitawan ng tatlo at Pumunta naman ako sa direksyon ni Chanyeol. Nakita ko naman na takot na takot yung tatlo na makita si Chanyeol. Natatakot yata silang magulpi hahaha!

"Thank you so much, Chanyeol! You're my knight and shining armour, Niligtas mo ang buhay ko" Nakangiti kong sabi sabay napayakap naman ako sa kanya. "Anything for you, Baekhyun! Mag iingat ka pag uwi mo ha?" Naka smirk na sabi ni Chanyeol saken. Agad ko ding nilisan ang lugar, Nag wave pako kay Chanyeol bago umalis. Nag wave back din naman siya saken. Nag blush naman ako ng mga oras na iyon.

𝑻𝒉𝒆 𝑬𝒅𝒈𝒆 𝒐𝒇 𝑵𝒆𝒗𝒆𝒓 [𝑪𝒐𝒎𝒑𝒍𝒆𝒕𝒆𝒅]Where stories live. Discover now