SEHUN'S POV
Pumunta ako sa bahay ni Baekhyun para umakyat ng ligaw sa kanya. Binigyan ko din siya ng bouquet ng flowers. Pumayag naman ang parents niya kaya nagalak ang kalooban ko. Pero, Agad niya din akong pinatigil na manligaw sa kanya dahil hindi pa siya handang pumasok sa isang relasyon at Kaibigan lang din talaga ang tingin niya saken. Naintindihan ko naman ang pasya niya, Hindi pa din ako magbabago ng pakikitungo sa kanya. Nandito pala ako ngayon sa birthday Party ko at Inimbitahan ko si Baekhyun na pumunta din. Sa abandonado na bahay ginanap ang party ko. Hindi ko din alam kung bakit dito ang napili nilang venue pero Maganda naman at maayos dahil sa mga Light effects at may Red carpet din. Para kang nasa hotel style. Nang matanaw ko na siya sa labas, Agad ko siyang sinalubong. "Sehun, I'm sorry pala sa nasabi ko sayo-" Malungkot na sabi ni Baekhyun saken. Tumango naman ako bilang sagot, "Wala yun Baekhyun, Ayos lang naman saken! Tara na pumasok na tayo sa loob" Nakangiti na sabi ni Sehun at inalalayan si Baekhyun papasok.
Agad din silang nagsayaw sayaw sa loob. Naiwan naman sina Sehun, Kai at Guanlin sa isang tabi habang umiinom. Hindi naman mapigilang mapatitig ni Sehun sa masayang masaya na si Baekhyun habang sumasayaw ito. parang bata na nakawala sa kuran haha!
--
THIRD PERSON OF POV
Nakatitig lamang ako sa kanya habang masaya siyang sumasayaw. She's so fucking beautiful! By the way, I'm Park Chanyeol, 27 years old. Una ko siyang nakita sa school nila. Narinig ko ang compliment ng Professor nila sa kanya na magaling pala siya mag paint. Na love at first sight ako sa kanya. Nakatitig ako noon sa kanya mula sa bintana. Mahilig din pala siya mag gitara katulad ko. Maya maya pa, Hindi naman sinasadyang napatingin siya sa direksyon ko. Naglakad naman ako at titignan ko kung susundan niya ako, Hindi naman ako nabigo. Sinundan niya kung saan ako naparooon. Nag eye to eye contact na kaming dalawa, Agad naman akong umalis at pumunta sa rooftop.
--
Dahan dahan na tinahak ni Baekhyun ang madilim na direksyon. Hindi niya alam kung saan siya papunta basta dinala nalang siya ng Paa niya dito. Umakyat siya sa hagdanan. Sinusundan niya kasi yung lalaki na nakatitig sa kanya kanina pa habang sumasayaw siya. That guy is familiar to Baekhyun. Yun yung lalaki na nakita niya nung nasa Art class sila. Pero hindi niya alam ang pangalan ng lalaki.
Nang marating na niya ang rooftop, Nakita niya ang lalaki na nakatalikod. "Hello?" tanging nasabi niya na lang. Humarap naman ang lalaki na sinusundan niya. He's so handsome and Tall nasabi nalang ni Baekhyun sa kanyang isipan. Pupunta sana siya sa lalaki pero nakita niya ang butas na nasa gitna at hindi siya makakatawid papunta sa lalaki. "Bakit hindi ka nakikiparty sa ibaba? Bakit nasa gilid kalang?" Nahihiya na tanong ni Baekhyun. Napatawa naman ang lalaki, "Hindi maganda sa ibaba, Mas maganda dito. Masaya na ako kasi nandito kana" Nakangisi na sabi ng lalaki na kinatakot naman ni Baekhyun ng kaunti. "Nahuli sila ng pulis sa ibaba, Mas safe ka dito" Seryoso na sabi ng lalaki. Agad namang napatingin si Baekhyun sa ibaba at nakita nga niyang may mga pulis sa ibaba. Nakita niyang nakuha ang mga tao kanina sa ibaba ng Party. "Makikita paba kita dito?" Sabi naman ni Baekhyun na kina smirk naman ng lalaki. "Syempre, palagi lang ako nandito...Para sayo" Naka smirk na sabi ng lalaki.
"Baekhyun?!"
Narinig naman niya na tinatawag siya ni Sehun. Napatingin naman siya sa likuran at nakita niyang papunta sa direksyon niya si Sehun. "Baek, Kanina pa kita hinahanap, Ano bang ginagawa mo dito?" Nag aalala na tanong ni Sehun. "Ah...Eh...May kausap kasi akong-" Naputol ang sasabihin ni Baekhyun na mapatingin siya sa harapan niya. Nawala nalang na parang bula ang lalaki na kausap niya. "Nasan na yun? Kausap kolang yun kanina eh" sabi ni Baekhyun na kinakunot noo naman ni Sehun. "Tara na sa ibaba Baekhyun umuwi na tayo, Ihahatid nalang kita sa bahay niyo" Sabi ni Sehun sabay hinawakan ang likod ni Baekhyun at nilisan ang lugar.
Muling lumabas ang lalaki na kausap ni Baekhyun habang nanlilisik ang mga mata nito.