Chapter 20

52 18 0
                                    

"CHANYEOL LUMABAS KA!"

Sigaw ni Baekhyun habang hinahanap si Chanyeol. Lumabas din naman ito sa pinagtataguan niya. "Napakasinungaling mo! Niloko moko Chanyeol! Niloko moko" Naiiyak na sabi ni Baekhyun habang napayuko pa siya. "I'm sorry Baekhyun, but this is not my mistake-" Hindi natapos ni Chanyeol ang sasabihin niya na sigawan siya ni Baekhyun. "You made me fall inlove with you! Pero nagsinungaling ka saken! Chanyeol!" galit na sabi ni Baekhyun sabay nilapitan si Chanyeol sa direksyon nito. "Una pa lang Baekhyun, Sabi ko kalimutan mo na ako pero pinilit mo pa din sa sarili mo na mahalin moko-" Hindi na pinatapos ni Baekhyun si Chanyeol. "Kasi yun ang totoo Chanyeol! Mahal kita...at Minahal kita alam mo yan! Pero ang gago ko naman sa part na nagmahal ako ng patay!" Hagulgol na iyak ni Baekhyun. Lalapitan sana siya ni Chanyeol pero lumayo si Baekhyun. "Wag mokong lalapitan Chanyeol!" Nakayuko na sabi ni Baekhyun habang hindi pa din siya tumitigil ng iyak. Nagbago naman ng anyo si Chanyeol, Ang dating maamo na mukha, Napalitan ito ng nakakatakot na itsura. Duguan ang mukha niya at parang naagnas na. Tinaas naman ni Baekhyun ang ulo niya. Takot na takot naman si Baekhyun sa kanyang nakita. "Bakit ka natatakot Baekhyun?" Naka smirk na sabi ni Chanyeol sa kanya habang paurong naman ng paurong si Baekhyun habang balisa ito sa takot. "Wag kang lalapit saken Chanyeol!" Sabi ni Baekhyun habang napatawa naman si Chanyeol sa kanya. "Sabi mo saken diba, Hindi moko iiwan pero parang gusto mo na din ako iwan! Pareho lang kayo ni Wendy! Mga manloloko kayo" Galit na sabi ni Chanyeol sabay nilapitan si Baekhyun. Kumaripas naman nang takbo si Baekhyun papunta sa bahay nila. Hindi alintana kung ano man ang madadaanan niya, Ang mahalaga makauwi siya sa bahay nila.

Nagulat naman siya na makita na nakatali ang mga magulang niya, May nakita din siyang note sa tabi nito. binasa niya ang nakalagay doon.

To Baekhyun,

Pumunta ka ngayon sa lugar kung saan tayo unang nagkita. Bibigyan kita ng 30 minutes kapag wala kapa, Papatayin ko pamilya mo

Fr Chanyeol

Agad na tinanggal ni Baekhyun ang tali na nakabalot sa pamilya niya. Inutusan naman niya ang mga ito na tumawag ng Pari. Dumating naman si Sehun sa bahay nila kasama ang pari.

"Ma, Pa, Maiwan muna kayo dito sa bahay, Guys bantayan niyo sila Mama" Kinakabahan na sabi ni Baekhyun kila Luhan habang tumango naman ang mga ito. "Sehun, Baekbeom at Father Zhang sumakay po kayo ng sasakyan, Mauuna na ako sa inyo! Magkita kita nalang tayo sa Daffofil Homes" Pagkasakay ni Baekgyun sa motor. Agad na lumapit si Sehun sa kanya. "Mag iingat ka Baekhyun! I love you" Seryoso na sabi ni Sehun habang napangiti naman si Baekhyun. Agad na sinuot ni Baekhyun ang helmet niya at nilisan ang bahay nila. Nagmamadali namang sumakay ng sasakyan sina Sehun at sinundan si Baekhyun na nasa unahan nila.

𝑻𝒉𝒆 𝑬𝒅𝒈𝒆 𝒐𝒇 𝑵𝒆𝒗𝒆𝒓 [𝑪𝒐𝒎𝒑𝒍𝒆𝒕𝒆𝒅]Where stories live. Discover now