Chapter 9

48 17 0
                                    

Kinabukasan, Agad na pinagawa ni Baekhyun ang gitara niya sa kakilala niyang Shop. "Kuya? Paggawa naman po ng gitara ko, Nasira po kasi yung string. Babalikan ko nalang po" Nakangiti na sabi niya sabay abot ng gitara. "Okay sige balikan mo nalang pag gawa na" sabi naman ng lalaki. Tumango naman si Baekhyun at umalis na.

Pagkabalik niya sa bahay sinalubong naman siya ng tingin ng mga magulang niya. "Anak? Where have you been? Kanina kapa namin hinahanap" Pag aalala na tanong ng Mama niya. Napayuko na lamang siya. "Sa pagawaan po ng Gitara" Nakayuko na sabi ni Baekhyun sabay sinigawan naman siya ng Step father niya. "What? Do you played Guitar again? We told you to stop playing Guitar right? How many times do we need to warned you?" Galit na sabi ng step father niya. Agad naman tong pinipigilan ng mama niya. "Wala! Hindi niyo ko kailangang pagsabihan, Gitara na nga lang magpapasaya saken ayaw niyo pa-" Hagulgol na iyak naman ni Baekhyun habang tinaasan ng boses ang step father niya. "Ikaw ma, Kaya moko pinapapigil na mag gitara kasi ayaw mong maalala ko si Papa, Na parang andali lang sayo na makalimutan siya. Andali mo lang din siya palitan-" Hindi natapos ni Baekhyun ang sasabihin niya na sampalin siya nang malakas ng Mama niya. Napahawak naman si Baekhyun sa pisngi niya habang umiiyak. "Baekhyun, Anak, I'm sorry-" Agad namang kumaripas nang takbo si Baekhyun papunta sa kwarto niya. Napaiyak din ang Mama niya sa ginawa nito sa kanya.

Nagkulong lang si Baekhyun buong magdamag sa kwarto. Kinakatok siya ng Mama niya pero hindi niya pinagbubuksan. Sobrang sama pa din ng loob niya dahil sa pagkawala ng Papa niya. Namatay ang papa niya dahil sa niligtas siya nito. Siya dapat ang masasagasaan ng Bus pero tinulak siya ng Papa niya palayo kaya ang Papa niya ang nabundol. Pagkatapos noon, Agad ding naghanap ang Mama niya ng bagong mapapangasawa at Nalaman nga niyang may anak ito sa labas kaya si Baekbeom na din ang tinuring niya na kapatid.

Agad na nagbihis si Baekhyun para pumunta ulit sa Pinag venuehan ng party ni Sehun. Daffodil Homes pala ang pangalan ng lugar na yun, Halos ngayon lang din kasi nasabi sa kanya ni Sehun. Gusto niya lang muna maging mapag isa para makapag relax.



- To be continued

𝑻𝒉𝒆 𝑬𝒅𝒈𝒆 𝒐𝒇 𝑵𝒆𝒗𝒆𝒓 [𝑪𝒐𝒎𝒑𝒍𝒆𝒕𝒆𝒅]Where stories live. Discover now