Chapter 16

48 16 1
                                    

Nakaramdam naman si Chanyeol ng lungkot habang naglalakad silang dalawa ni Baekhyun. Agad naman napansin ni Baekhyun na lumungkot ang mukha ng kanyang kasintahan na yung kaninang masaya napalitan ng lungkot. Mas lalong hinigpitan ni Baekhyun ang pagkakahawak niya sa kamay ni Chanyeol pero, binitawan nito ang kamay niya. Tinanong siya ni Baekhyun, "Chanyeol? Anong problema? Ayos ka lang ba?" ani Baekhyun habang malungkot na din ang kanyang mukha na nakatitig kay Chanyeol. "Baekhyun...Mali..." sagot lamang ni Chanyeol habang nakayuko. Nakita naman niyang tumayo si Chanyeol kaya tumayo na din si Baekhyun. "Chanyeol anong mali? May mali ba akong nagawa kanina na hindi mo nagustuhan?" sabi ni Baekhyun habang napapout naman siya. "Baekhyun, mali na mahalin mo ako" Seryoso na sabi ni Chanyeol habang nakatitig sa mga mata ng kasintahan. "Anong mali Chanyeol? Walang mali sa nararamdaman ko sayo, Mahal kita! Chanyeol! Mahal kita" Sabi ni Baekhyun habang hindi niya namalayan na tumulo na ang mga luha niya. "Iiwan mo naba ako Chanyeol?" Umiiyak na tanong ni Baekhyun habang lumapit siya kay Chanyeol para yumakap. "Sorry Baekhyun pero para din sayo to! Makakalimutan mo din ako" Malungkot na sabi ni Chanyeol at kumalas sa yakap ni Baekhyun. "Baek! Kalimutan mo na yung nangyari, Kalimutan mo na din ako, Sorry Baek!" Chanyeol said seriously at iniwan na si Baekhyun na hagulgol na umiiyak.

~ Fast forward

Hindi nakatulog si Baekhyun magdamag, Iyak lang siya ng iyak at tinatanong niya sa sarili kung bakit siya iniwan ni Chanyeol. Kung ano bang pagkakamali na ginawa niya. Kinabukasan, Agad siyang pumunta sa lugar kung saan sila palaging nagmimeet up ni Chanyeol. "Chanyeol! Lumabas ka diyan! Kausapin moko!" umiiyak na sabi ni Baekhyun. "Chanyeol! Lumabas ka diyan wag kang duwag! You make me fall inlove with you tapos ganito lang gagawin mo saken!" Umiiyak na sigaw ni Baekhyun habang naghihisterikal siya makita lang si Chanyeol.

Nang mga oras na iyon ay nandoon si Chanyeol, Nagtago siya sa malaking puno habang pinakinggan lahat ng sinabi ni Baekhyun. Agad din namang umalis si Baekhyun. Lumabas na siya sa pinagtataguan niya habang pinagmamasdan sa malayong tingin si Baekhyun.

Umupo naman si Chanyeol sa bench habang malalim ang iniisip. May lumapit naman na bata sa kanya at kinausap siya. "Kuya Chanyeol, Are you okay?" tanong ng bata sa kanya. Si Naeun. Yung laging nagbibigay ng flowers sa kanya na binibigay niya kay Baekhyun. "Pumunta si Baekhyun kanina dito, Ka aalis lang halos, Alam ko naman na mahal ako ni Baekhyun, Ganun din naman ako sa kanya. Gusto ko lang na iprove niya saken na mahal niya talaga ako, Naeun" Malungkot na sabi niya habang nakatingin sa kawalan. Nilapitan naman siya ni Naeun at tumabi sa kanya. "Sinabi mo na ba sa kanya ang tunay mong katauhan? Doon natin malalaman kung mahal ka talaga niya" Tanong ni Naeun sa kanya sabay napatingin naman si Chanyeol sa bata. He sighed before answered. "Wag na muna Naeun, Hindi pako handa baka layuan niya ako kapag nalaman niya" Sabi ni Chanyeol at tumango naman ang bata. "Kausapin mo kase siya Kuya, Hindi kayo makakapag usap ng maayos hangga't hindi ka nagpapakita sa kanya" sabi naman ng bata na kinatuwa naman ni Chanyeol. "Salamat Naeun ha?" Nakangiti na sabi ni Chanyeol sabay inabot ang kamay niya para mag apir sila ni Naeun.

𝑻𝒉𝒆 𝑬𝒅𝒈𝒆 𝒐𝒇 𝑵𝒆𝒗𝒆𝒓 [𝑪𝒐𝒎𝒑𝒍𝒆𝒕𝒆𝒅]Where stories live. Discover now