Chapter 5

65 22 2
                                    

Pumunta sina Baekhyun at Sehun sa isang tabi para makapag usap. Lumayo muna sila sa apat nilang tropa for Privacy na din. Gusto din kasi ni Sehun na makausap si Baekhyun ng solo. Because he wants to confessed his Feelings to Baekhyun.

"Mabuti nalang pinayagan ka ng parents mo na pumunta dito sa party" Nakangiti na sabi ni Sehun.

"Oo nga eh! Alam mo ba na halos umiyak ako ng dugo mapilit lang sila lalo na si Mama" Tatawa tawa na sabi ni Baekhyun. Napatawa nalang din si Sehun

"Ganyan lang din siguro ang magulang lalo na ang Nanay, Masyadong strict yan sa anak nila lalo na pag alam nilang Maganda ang anak nila" Naka smirk na sabi ni Sehun sabay pinalo naman siya ni Baekhyun sa braso.

"Uhmm...Baekhyun...I want to tell you something...I lik---"

Hindi natapos ni Sehun ang sasabihin niya na sumigaw si Lisa at inaaya na silang sumayaw. "Sehun, Let's dance na! Sumayaw na sila Lisa" Sabi ni Baekhyun sabay hinawakan naman niya ang kamay ni Sehun at sumayaw na sila. "I think this is not the right time, Baekhyun!" sabi nalang ni Sehun sa kanyang sarili habang napahinga ng malalim.

Nagpaalam muna si Baekhyun na pupunta muna siya ng Comfort room. Tumingin siya sa orasan ng phone niya, Ala una na ng madaling araw. Naglakad lakad muna siya sa venue ng party. Nang matanaw na niya ang Comfort room agad siyang pumasok sa loob. Makalipas ang 1 minuto ay lumabas na din siya. Hindi naman sinasadyang napatingin siya sa gilid, Nagningning ang mga mata niya na makakita ng gitara. Muli nanaman niyang naalala ang kanyang Papa na yumao. Nang akmang hahawakan na niya ang string ng gitara, Agad siyang nasugatan at nagdugo ang hintuturo niya. "Baekhyun!" Tiyaka lang siya nagising sa realidad na tawagin siya ng mga tropa niya. Agad din niyang nilisan ang lugar na iyon, Ang dugo na nasa hintuturo niya ay nagmantsa sa gitara na agad din namang nawala.

"Sorry guys medyo natagalan ako, Namasyal pa kasi ako dito! Oo nga pala ala una na mauuna na ako sa inyo!" Sabi ni Baekhyun sabay humalik kila Jennie at Lisa. Nakipag apir naman siya kay Kai at Guanlin. "Ano ba yan maaga pa guys! Enjoy muna naten by the way, Mag iingat ka Baekhyun!" sabi naman ni Jennie. "Ah...eh...Ako din uuwi na ihahatid ko na din si Baekhyun" Sabi naman ni Sehun sabay nagpaalam na din siya sa apat. "Nako Sehun ingatan mo si Baekhyun namin ha?" Nakangisi na sabi ni Dyo na kinatawa naman ng lahat. "No problem guys, Iingatan ko si Baekhyun niyo!" Sabi naman ni Sehun habang naka smirk.

Nang makauwi na sila sa bahay, Agad ding nagpaalam si Sehun na aalis agad siya. Pumasok na din si Baekhyun sa loob para makapag pahinga. Madilim na ang paligid lalo na pagpasok niya sa loob ng bahay nila. Binuksan niya ang ilaw sa kusina. Agad siyang kumuha ng tubig sa ref para uminom. Hindi sinasadyang napatingin siya sa bintana nila, Sobrang lakas ng hangin. Medyo nakaramdam ng takot si Baekhyun kaya nagmadali siyang umakyat sa kwarto niya.



Pagkaalis ni Baekhyun, May isang lalaki na naka grey na hoodie at black pants ang nakatayo sa bintana nila. Nakatitig at binabantayan siya.

𝑻𝒉𝒆 𝑬𝒅𝒈𝒆 𝒐𝒇 𝑵𝒆𝒗𝒆𝒓 [𝑪𝒐𝒎𝒑𝒍𝒆𝒕𝒆𝒅]Where stories live. Discover now