Chapter 19

49 17 0
                                    

Pumunta sina Baekhyun sa lugar kung saan sila palaging nag mimeet up ni Chanyeol. Yun lang siguro ang tanging paraan para mapatunayan niyang totoo si Chanyeol. Nanlumo sila na makita ang lugar na iyon. ang lugar na iyon ay hindi park kundi isang sementeryo. "Sementeryo?! Dito ka laging dinadala ni Chanyeol?" Laking pagtataka na sabi ni Sehun habang napaiyak nanaman ulit si Baekhyun. "Park to! Hindi sementeryo, Dito pa nga kami laging umuupo ni Chanyeol! Nasaan na yung bench dito" Sabi ni Baekhyun habang pumunta sa ibaba para ipakita sa kanila ang bench na kung saan sila umuupo ni Chanyeol. pero wala silang bench na nakita dahil puro lapida ang nandoon. "Ma'am Byun, Imagination lang po lahat ni Baekhyun ang lahat ng nangyayari sa kanya, lalo na yung sinasabi niyang Chanyeol. Epekto po yan ng pagkamatay ng kanyang Papa noon, Kinain siya ng kalungkutan kaya bumuo siya ng Happiness sa kanyang isipan" Pagpapaliwanag ng Psychiatrist sa mama ni Baekhyun. Napaiyak naman ang mama niya habang nakatitig kay Baekhyun na balisang balisa.

~ Fast forward

Simula nang pangyayari na iyon, Hindi na muling nagkausap sina Baekhyun at Chanyeol. Sinabi ni Baekhyun na gusto niya na munang lumayo muna kay Chanyeol para makapag isip ng maayos. Kasama niya ngayon si Sehun at namasyal lang sila. Hindi naman sinasadya na nabangga niya ang isang babae na nakasalubong nila. "Sorry miss!" Paghingi ng tawad ni Baekhyun. Tumango naman ang babae at nanlaki ang mata nito. "Ikaw ba yung girlfriend ni Chanyeol ngayon?" Sabi ng babae sa kanya. "I'm Wendy, Ex girlfriend ni Chanyeol" Pagpapakilala nito sa kanyang sarili. Agad naman silang inaya ni Wendy na pumasok sa parang bahay niya. Pagpasok nila sa loob, Maraming madre ang nandoon at sinalubong sila ng ngiti ni Sehun. Nag bow naman silang dalawa bilang respeto. "I'm Sister Wendy! Nag madre ako after nung pangyayari samen ni Chanyeol" sabi nito sa kanila na pinagtaka naman nilang dalawa ni Sehun. "Baekhyun, Chanyeol is already dead...Hayaan mong ikuwento ko sayo ang nangyari" Huminga ng malalim si Wendy bago nag kuwento. Nanlaki naman ang mata ni Baekhyun pero mariin silang nakinig.

~ Flashback

Malakas ang ulan, Nasa loob ng kotse sina Wendy at Chanyeol. Sobrang sama ng loob ni Chanyeol dahil makikipag break na si Wendy sa kanya.

"Wendy please, Don't leave me alone! Ano bang nagawa ko sayo at bakit iiwan mo nalang ako ng ganito?" Umiiyak na tanong ni Chanyeol sa kasintahan. Umiiyak na sumagot naman si Wendy.

"Ayaw ng mga parents ko na maging tayo, Nasasakal na din ako sa relasyon natin Chanyeol, Let's end this" Kahit labag sa kalooban ni Wendy kailangan na niyang i-let go si Chanyeol.

Agad na tinitigan ni Chanyeol si Wendy habang nanlilisik ang mata nito. "Sabi mo, Hindi moko iiwan diba! Sabi mo kahit sino pang lalaki ang dumating sa buhay mo, Ako lang Wendy! Iiwan mo din pala ako dapat mamatay nalang ako" Tatawa tawa na sabi ni Chanyeol at kinuha ang baril na nasa tabi niya. Harap harapan na nag suicide si Chanyeol sa harapan ni Wendy, Tinutok ni Chanyeol ang baril sa may sintido niya. Tumalsik ang mga dugo sa gitara na nasa back seat.

~End of flashback

"Namatay si Chanyeol sa harapan ko, Tinutok niya yung baril sa may sintido niya. Yung gitara niya sa may back seat ng kotse punong puno ng dugo" Pagkukuwento ni Wendy habang pinakita pa kila Baekhyun ang picture ng nasabi na Gitara. Halos manlumo si Baekhyun na makita ang gitara na yun. ang gitara na yun ay ang gitara na ginagamit niya. "kay Chanyeol pala ang gitara na iyon?" Halos atakihin sa puso si Baekhyun na malaman ang lahat lahat. Naalala tuloy niya yung sinabi ni Chanyeol na familiar daw ang gitara na yun.

"Halos lahat ng mga nagugustuhan niyang babae, Gusto niyang mangangako sa kanya na hindi siya iiwan" Malungkot na sabi ni Wendy habang tumingin sa kawalan.

"Uhm...Wait...Paano ka niya nilubayan? I mean, hindi ka niya nalalapitan?" tanong naman ni Sehun sabay nabaling ang tingin ni Wendy sa kanya. "Yun ang dahilan kung bakit nag madre ako, Para hindi na niya ako malapitan" Pagpapaliwanag ni Wendy sa kanila. shocks? so kailangan kong mag madre din lol Natatawang sabi ni Baekhyun sa kanyang isipan.

𝑻𝒉𝒆 𝑬𝒅𝒈𝒆 𝒐𝒇 𝑵𝒆𝒗𝒆𝒓 [𝑪𝒐𝒎𝒑𝒍𝒆𝒕𝒆𝒅]Where stories live. Discover now