CHAPTER 4
---
Pagkauwi ni Baekhyun sa bahay, Agad niyang pinakita ang invitation na binigay ni Sehun sa kanya. Halos umiyak siya ng dugo sa harapan ng mama niya pero ayaw pa din siyang payagan na pumunta.
"Mama please, Gusto kopong pumunta sa party!" Nakaluhod na pagmamakaawa na sabi ni Baekhyun. Huminga ng malalim ang mama niya bago sumagot.
"Anak, delikado naman kasi! Gabing gabi pa ang party at baka anong mangyari sayo-"
Naputol ang pagsasalita ng Mama ni Baekhyun nang dumating ang step father niya. Tinanong ng step father niya kung bakit nakalumpasay sa sahig si Baekhyun. Agad na tumayo si Baekhyun sa pagkakaupo nito at pinakita sa Papa niya ang invitation na hawak niya kanina pa.
"Pa? Please, Gusto kong pumunta dito mamaya. Ayaw akong payagan ni Mama. Promise ko sa inyo mag iingat ako!" Naka pout na sabi ni Baekhyun habang nag aantay ng sagot ng step father niya.
"Kung ako lang din tatanungin eh papayag ako, Paano naman si Mama mo?" Mahinahon na sagot ng Papa ni Baekhyun na nagpaliwanag ng mukha niya.
"Hays sige oo na papayag nako, Basta magpapahatid ka sa Papa mo mamaya" Nakangiti na sabi ng Mama niya sabay niyakap niya ito.
"Talaga po pumayag na kayo? Salamat po" Nakangiti na sabi ni Baekhyun sabay pumunta na sa kwarto niya para mag ayos.
SEHUN'S POV
Nandito na kami ngayon sa Party ng tropa ko. Sobrang saya din ng lahat dahil sa may malalakas na tugtog at marami ding nagsasayawan. Nandito lang kami sa isang tabi dahil inaantay ko si Baekhyun, Sana nga ay payagan siyang makapunta dito. Tumingin ako sa orasan ko, 9 pm na sakto. Huminga naman ako ng malalim baka hindi nga makapunta si Baekhyun. Kinuha ko ang baso na may wine na kanina kopa hawak at agad tong ininom.
"Tol? Makakapunta ba si Baekhyun?" Rinig kong tanong ni Guanlin sa tabi ko.
"Oo nga, Baka hindi na siya makapunta! Tara sayaw na tayo!" Sabi naman ni Lisa.
Hindi naman sinasadyang napatingin si Kai sa entrance. Nakita niyang may nakatayo doon. Tinignan niya pa mabuti kung sino yun. Kinalabit naman niya si Sehun na ngayon ay nakatingin sa kanya.
"Tol! Si Baekhyun ba yun?" tanong ni Kai sabay napatingin naman silang lahat sa entrance.
"Guys!" Masayang bati ni Baekhyun sabay lumapit sa kanilang lahat.
"Kala ko hindi kana makakapunta girl" sabi ni Lisa habang ngumunguya ng Manok na nasa plato niya.
"Pwede ba yun, Syempre gusto ko ding umattend dito atsaka makasama kayong lahat!" Nakangiti na sabi ni Baekhyun. Hindi naman sinasadyang napatingin siya kay Sehun.
"Mabuti naman Baekhyun pinayagan ka" Nakangiti na sabi ni Sehun.
Narinig naman nila ang mga kantiyaw ng tropa nila. "Mabuti na lang Baekhyun pumunta ka, Biglang nagliwanag yung mukha ni Sehun eh!" Asar na sabi ni Jennie sabay pinalo naman siya si Sehun. "True! Atsaka alam mo ba kanina sobrang lungkot, Nung nakita si Baekhyun real quick yung ngiti" Biro naman ni Kai sabay sinamaaan siya ni Sehun ng tingin at sinuntok sa braso.
"Kayo talaga guys! Tara na nga mag ikot ikot na tayo dito" Sabi naman ni Sehun. Naagaw naman ni Baekhyun ang atensyon niya. "Tara!" sagot naman ni Baekhyun. Agad namang umalis ang dalawa habang sinundan sila ng tingin ng apat.
"Grabe wala silang pa excuse, Ganyan ba talaga pag inlove?" Asar na sabi ni Guanlin na kinatawa ng tatlo.
"Basta guys wag niyo silang susundan ha? Alam niyo na kung saan pupunta ang mga iyan" Naka smirk na sabi naman ni Kai.
"Duh! Masyado kayong maissue, They're just best friend" sabi ni Lisa sabay nag roll eyes naman siya.
"Best friend ka diyan, Alam naman nating lahat na Sehun likes Baekhyun diba? Si Baekhyun lang naman tong manhid" sagot naman ni Jennie.
Agad naman napatingin ang apat sa direksyon kung nasaan sina Sehun at Baekhyun. Mariin na nag uusap ang dalawa, May hawak din na wine si Baekhyun samantalang Ngiting abot langit naman si Sehun na nakikipag usap.
"Hanggang dito ba naman kitang kita ang kalandian ni Sehun oh! Ngiting ngiti sa harapan ni Baekhyun" Halakhak na tawa ni Kai sabay nagtawanan din yung tatlo.
"Obyus na obyus eh!" sabi naman ni Guanlin sabay lumagok ng wine.
- To be continued-