Chapter 18

47 18 1
                                    

BAEKHYUN'S POV

Naputol ang yakapan mode namin ni Chanyeol na mag ring ang phone ko. Agad kong kinapa ang cellphone ko sa bulsa ko at tinignan kung sino yung tumatawag. Si Mama. "Baekhyun, Umuwi kana dito sa bahay! Pag wala kapa dito within 20 minutes, Mas lalo kang malalagot samen" Mag sasalita pa sana ako pero pinatayan ako ng tawag ni Mama. "Chanyeol? Mauuna nako, Pinapauwi na kase ako ni Mama-" Aalis na sana ako pero hinawakan ni Chanyeol ang kamay ko. Hindi ko akalain na hahalikan niya ako. "Take care my angel, Magkita nalang ulit tayo bukas" Sabi ni Chanyeol saken habang naka smirk ito. i don't know pero there's something wrong in his smile. Hindi ko nalang pinahalata ang takot ko kaya umalis na agad ako. Nag wave siya saken pagka alis ko.



* At Baekhyun's House

Pagpasok ni Baekhyun sa bahay nila, Bumungad sa kanya ang pamilya niya, Mga kaibigan niya at si Sehun. "Baekhyun? Pwede kaba namin makausap?" Malungkot na sabi ni Jennie sa kanya. "Ilang araw ka ng hindi pumapasok, Napapabayaan mo na din ang studies mo, Ano bang problema bes?" Tanong ni Lisa sa kanya. Huminga nang malalim si Baekhyun bago sumagot, "Because of my Boyfriend, Palagi kasi kaming nagkikitang dalawa" Sabi ni Baekhyun. Nakita naman niya na napakunot ng noo ang mga kasama niya. "Boyfriend? Sehun?" Tanong ng mama ni Baekhyun habang nabaling naman ang tingin nila sa direksyon ni Sehun. "B-oyfriend? Hindi na po kami nagkakasama ni Baekhyun simula nung ininvite ko po siya sa Party nun" Sabi naman ni Sehun na pinagtaka ng lahat. "Baekhyun? Wala kang boyfriend! Alam mo bang nakita ka namin ni Jennie nung isang araw sa Daffodil Homes, Wala kang kausap. Kaya nga tinatanong namin sayo kung ayos kalang ba talaga-" Hindi natapos ni Lisa ang sasabihin dahil nagulat sila sa tinuran nito. Nagsalita din si Baekhyun, "Anong walang kausap? Kasama ko si Chanyeol buong araw! Anong sinasabi niyo na wala akong kausap, Hindi ako nababaliw! Totoo si Chanyeol...Totoo siya!" Paghihisterikal ni Baekhyun habang kinomfort naman siya ni Luhan. "Bes, Wala naman kaming sinabi na baliw ka pero all the time, Wala kang boyfriend, kasi hindi siya totoo. walang Chanyeol-" Hindi natapos ni Luhan ang sasabihin dahil sinigawan siya ni Baekhyun. "Ano bang sinasabi niyo? Bakit ayaw niyong maniwala, Pumunta kayo dito sa kwarto ko dali!" Sabi ni Baekhyun sabay umakyat siya sa kwarto. Naghanap siya ng ebidensya na totoo si Chanyeol. Sumunod naman sila Sehun sa kwarto niya. "Ito oh, Yung mga sulat ni Chanyeol saken. Siya pa nga nagbigay nito saken" sabi ni Baekhyun habang isa isa na pinakita ang papel na nasa box niya. Tinignan naman iyon nila Luhan. "Anak, handwritten mo ito!" Naiiyak na sabi ng mama ni Baekhyun sabay niyakap siya ng mahigpit. "Hindiiiii! Totoo si Chanyeol! Ito pa yung picture naming dalawa" Umiiyak na sabi ni Baekhyun habang pinakita sa mga kasama niya ang litrato nila ni Chanyeol dalawa. Napahinga naman nang malalim si Sehun dulot ng pangyayari. "Baekhyun Anak, Wala kang kasama sa picture, Tignan mo ikaw lang yung nandito!" sabi naman ng Papa ni Baekhyun na kinainis nanaman ni Baekhyun kaya binato niya ang phone niya sa pader.

𝑻𝒉𝒆 𝑬𝒅𝒈𝒆 𝒐𝒇 𝑵𝒆𝒗𝒆𝒓 [𝑪𝒐𝒎𝒑𝒍𝒆𝒕𝒆𝒅]Where stories live. Discover now