Chapter 3

82 21 1
                                    

CHAPTER 3

---

BAEKHYUN'S POV

Nandito kami ngayon sa Art class namin, Inatasan kami ng Professor namin na mag Self portrait kami, Gumawa kami ng sariling painting namin about our Thoughts or feelings.

"Lucas, Maganda sana kaso konti pang practice okay? Keep up the good work!" Sabi ng professor ko habang nilapitan ang isa kong kaklase.

"How about my painting Sir?" sabi naman ni Sehun habang naagaw naman niya ang atensyon ko.

"Uhmmm. It's really nice! Nag improve ka ngayon well, Good job Mr Oh Sehun!" Compliment ng professor namin sa kanya. Agad ko namang tinuon ang pansin ko sa painting ko, Nakita ko na ako naman ang nilapitan ng professor ko.

"Wow Baekhyun! I love your painting, It has a deep meaning huh? Great work!" Compliment ng professor ko at napangiti naman ako bilang sagot.

Hindi naman sinasadyang napatingin ako kay Sehun, Nakita ko kasing nag "okay" sign siya. Ginantihan ko naman siya ng malaking ngiti. Sehun is my New best friend. Siya yung una kong nakilala dito sa New school ko since Same class kaming dalawa.

Agad ding binalik ni Sehun ang atensyon sa painting niya. Aksidente naman na napatingin ako sa bintana, May lalaki na naka grey na hoodie at black pants ang nakatayo sa hindi kalayuan saken. Mariin siyang nakatitig saken. Nailang ako ng mga oras na iyon kaya tinuon ko nalang tingin ko sa ginagawa ko. Nang akmang titingin ulit ako sa bintana ay bigla nalang nawala yung lalaki. Luminga linga pa ako sa paligid pero nawala na yung lalaki.

"Baekhyun, Mag break time na tayo!"

Nagising lang ako sa realidad na kalabitin ako ni Sehun. Nakita ko naman siyang nakangiti saken. Break time na pala hindi ko namalayan.

"Tara!" Nakangiti kong sagot sa kanya habang tumayo sa kinauupuan ko sabay umalis na kaming dalawa.

2 hamburger, 1 large fries & 2 sodas lang ang inorder namin ni Sehun. Nang makabili, agad kaming naghanap ng mauupuan. Nilapag na niya ang order namin at kumain na kami.

Maya maya pa, May inabot na papel si Sehun. Agad ko namang binasa iyon.

"By the way, Are you willing to attend in our party tonight? Nagka ayaan kasi mga tropa ko baka gusto mong sumama samin Baek!" Nakangiti na pang aaya ni Sehun saken.

Napahinga naman ako ng malalim bago sumagot,

"Ta try ko ha? Baka kasi hindi ako payagan ng parents ko Sehun, Pero pipilitin ko!" Nakapout kong sabi kay Sehun na kinatawa naman niya.

"No it's okay kung hindi ka man papayagan, pero mas sasaya ako kapag nandoon ka mamaya" sabi ni Sehun habang sinubo ang fries na hawak niya. Napangiti naman ako sa loob looban ko sa sinabi ni Sehun.

"I'm willing to attend Sehun! Pero sana payagan din ako, Alam mo naman minsan lang may mag aya na gwapo saken, Tatanggi paba ako diba?" Naka ngisi na sabi ko. Tumawa naman si Sehun ng kaunti sabay tumango.

𝑻𝒉𝒆 𝑬𝒅𝒈𝒆 𝒐𝒇 𝑵𝒆𝒗𝒆𝒓 [𝑪𝒐𝒎𝒑𝒍𝒆𝒕𝒆𝒅]Where stories live. Discover now