Pagkahatid ni Sehun kay Baekhyun sa bahay nito. Agad din siyang umalis. Pagka alis ni Sehun, Agad na lumabas ng bahay si Baekhyun, Kinuha niya ang motor niya at nagtungo sa venue ng Party ni Sehun. Makalipas ang 15 minuto, Pagkadating niya doon. Sobrang tahimik at madilim. Halos walang katao tao sa paligid niya. Tanging simoy lamang ng hangin ang maririnig mo. Sobrang lamig din kaya napayakap si Baekhyun sa sarili niya. Tumingin tingin muna siya sa paligid niya na makita niyang walang tao ay agad na siyang pumasok sa loob. Balak niyang kunin ang gitara na nakita niya noon. Napangiti naman siya na makitang nandoon pa at nakasabit pa ang gitara. Walang pag aalinlangan na kinuha niya ang Gitara na iyon. Nagmamadali siyang lumabas bitbit ang Gitara. Agad siyang sumakay sa kanyang motor at Nilisan ang lugar.
Pagkadating ni Baekhyun sa bahay, Naabutan niyang gising ang kanilang Yaya Seulgi. Napakunot noo naman ito na makitang lumabas pala si Baekhyun. "Nakong bata ka kung saan saan ka pumupunta! At saan mo naman napulot yang gitara nayan?" Sabi ng yaya nila sa kanya. "Napulot ko lang po ito sa tabi-tabi, Ang ganda no? Kamukhang kamukha ng gitara ni Papa dati kaya kinuha ko na" Nakangiti na pagmalalaki ni Baekhyun habang pinapakita sa Yaya niya ang hawak niyang gitara. Napahinga naman ng malalim si yaya Seulgi bago magsalita. "Baekhyun, Alam mo naman na hindi kana allowed humawak ng gitara kaya nako sigurado na malalagot ka talaga sa Mama mo kapag nakita niya yan" sabi nito sabay nilagay ang pitcher sa ref nila. "Yaya please, Wag mong sasabihin sa kanila. Alam mo naman na ito lang ang kasiyahan ko" Nakapout na sabi ni Baekhyun. Napatawa naman ang yaya nila. "Oo na sige na! Umakyat kana sa itaas at matulog" Sabi ni yaya Seulgi na kinatuwa naman ni Baekhyun. Agad siyang nag bow at umakyat na sa itaas ng kwarto niya.
Agad niyang tinignan ang gitara na kinuha niya kanina, Sira ang isang string nito kaya hindi gumagana. "Baka ipagawa ko nalang to bukas" Nakangiti na sabi ni Baekhyun sa sarili at Nilagay ang gitara sa tabi ng kama niya.
- To be continued