I wore my denim pants and a plain shirt today at kahit hindi ako yung tipo ng tao na nagmemake up, ay naglagay ako ng kaonting nude lipstick para lang naman disente akong tingnan.
Hindi ako mapakali buong araw at sa bawat klaseng natatapos ay mas lalong papalapit ang pagkikita naming dalawa.
Buti na lang hindi ko kaklase si Dortia sa kahit na anong subject ngayon kaya wala akong kailangang iexplain kung kanino.
"Gumaganda si Kleng Kleng ah. Anong meron?" Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ang boses ng isa kong kaklase. Lilingon na sana ako nang may makabunggo sa akin sa likod dahil sa bigla kong pagtigil.
"Sorry miss." I looked up at the tall handsome guy in front of me.
Oh. He's quite familiar why is that?
He also looked at me, trying to remember where we've met.
Binawi ko ang tingin nang mejo matagal na kaming magkatitigan. Baka isipin mg mga nasa paligid, na love at first sight na kami sa isat isa.
But i'm quite sure that i have seen him before, di ko lang maalala kung saan.
"Have we met before?" Tanong niya na nagpatingala muli sa akin.
"Ikaw din? I think so too. I think we've met before. Hindi ko lang maalala kung saan."
Napaisip naman siya. Pero napailing na lang siya at nginitian ako.
"Baka kasi nasa iisang school lang tayo." Sabi niya.
Oo nga no, pero parang hindi talaga e.
Parang nakita ko na siya outside the school.
Tsaka, ngayon ko lang siya nakita dito sa university.
"Sige, sorry ulit." Sabi niya at tuluyan nang umalis.
"Sino yun Kleng?" Tanong ng isa kong kaklase.
"Di ko nga din alam e, pero parang nakita ko na siya somewhere... Pero di dito sa school. Pero di ko maalala aish, di na naman ako makakatulog nito kakaisip kung san ko siya nakita."
My classmate laughed at kiniliti ako.
"Uy. Soulmate mo siguro yun! Talagang di ka makakatulog pogi e!" At nakitawa na rin ang iba.
"Baliw to! Alis na ko!" Iniwan ko na sila dun at napaisip habang naglalakad.
Kung alam lang nila kung anong pinagdadaanan kong puyat ngayon. Haha.
Pero kilala ko talaga siya e. Saan ko kaya yun nakita?
Pagkatapos ng huli kong klase ay agad kong sinilip ang cellphone ko at nakita ang text ni Koa na magkita na lang daw kami sa may labas.
Napahinga ako ng maluwag nang malamang hindi kami sabay aalis ng school.
Pero agad ko ding binawi iyon ng tumambad sa akin ang itim niyang sasakyan nang nakalabas ako sa gate.
What the freaking gosh agad akong pumasok at siniguradong walang nakakita sa akin na kakilala kong pumapasok sa sasakyan ng isang lalaki. Naku, sana hindi nila nakitang si Ronan Koa ang kasama ko kundi patay na talaga ako!
Jusko Lord, sana hindi nila alam na kay Koa tong sasakyan na to.
"Okay ka lang ba?" I straightened when i heared his voice. Nilingon ko siya and I gave him a sharp look.
"Why did you have to bring your car in front of the school?" I said, gritting my teeth. Never did in my life have i imagined that i would be mad at Ronan Koa. I mean, makausap nga siya imposible, mainis pa kaya?
BINABASA MO ANG
once upon a september ✅
RomanceOnce upon a September, an ordinary girl was noticed by an extraordinary boy. ** Claire's only dream is to become a doctor. As a BS Biology student in UP Manila, at dahil naging pasyente na rin siya noon, nais niya lamang makatulong at makapaggamot...