Chapter 21 - Pain

34 0 0
                                    

I waited for my name to be called sa claiming area ng laboratory. I gave them the specimen two weeks ago kaya ngayon ay hindi ako mapakali habang inaantay ang resulta.

Koa will be here a little bit later dahil mayroon pa siyang inasikaso sa PGH.

"Anong ginagawa mo dito?" Napatingala ako at hindi natuwa sa nakita. Lukas sat down beside me. May inaantay din sigurong lab results para sa mga pasyente.

"I took a sputum test two weeks ago." Simple kong sagot.

"Why? Is it a relapse?"

Nilingon ko siya at hindi ko inexpect ang genuine na ekspresyon sa kanyang mukha.

"H-hindi naman. Nag hemop lang kasi ako." Sabi ko sa kanya. He nodded as if thinking hard.

"That's normal. Pero mas mabuti nang sigurado."

We fell silent after that. Marami pang nasa unahan namin kaya mukhang matatagalan pa kami dito.

"Akala ko hindi kayo magtatagal ni Koa. You know, Joan would always say that she could only love someone who went through the same pain as her. Sa ganoong paraan lang daw siya maiintindihan." Napatingin ako sa kanya, remembering what Joan would always say.

It was somewhat true, at kahit ako ay naniniwala din doon, pero noon yun nang hindi ko pa nakilala si Koa. I think it depends on the person you love after all.

"Koa understands me enough. Higit sa umuunawa, kailangan namin ng masasandalan." Sagot ko sa kanya. Even a silent person beside me can do much much more just by being there.

Siya naman ngayon ang napatingin sa akin.

"Let's see about that." Sabi niya bago tumayo at kinuha ang envelope sa isang nurse saka umalis.

Napatingin pa ako sa likod niya bago matawag ang pangalan ko.

I immediately stood up and signed the claim form bago kinuha ang result. Huminga ako nang malalim, takot sa maaring makitang resulta.

When i saw the negative word ay labis akong natuwa.

Thank you po, Lord.

I whispered a short prayer bago dumiretso sa office ni doki.

"I'm thinking of not going abroad." Napatigil ako sa pagbukas ng pintuan nang marinig iyon.

It was Koa's voice.

Inilapit ko ang aking tenga sa pintuan para marinig lalo ang pinaguusapan nila.

"Is it because of Claire?" Tanong ni doki sa kanya.

Napatakip ako ng aking bibig. My whole body froze at bumilis ang tibok ng puso ko.

"I... When i saw her like that, my mind just turned blank. I can't leave her alone like this. Paano kung maulit iyon?" Bakas sa kanyang boses ang takot na nadarama.

Kahit minsan wala akong narinig sa kanya pagkatapos ng araw na yun.

I thought everything was fine. Hindi man lang sumagi sa isip ko na baka hindi siya tumuloy abroad nang dahil lang sa nangyari.

"Nandito naman ako. I'm her doctor, Koa. Besides, hindi magugustuhan ni Claire yan."

Koa fell silent, probably thinking of what doc said.

I hope she would convince him to go. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag ako ang naging dahilan nang hindi niya pag alis.

Narinig ko ang mga yapak ni doki sa loob.

"Trust me with her. And trust her as well. Besides, i'm pretty sure that the result will turn negative."

Koa did not say a word. Nanatili ako sa labas para marinig kung anong sagot niya.

once upon a september ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon