Chapter 25 - Not easy

32 0 0
                                    

"I can't believe you." Padabog na binagsak ni Dortia ang mga gamit ko sa sahig. She's helping me unpack my things to my new apartment near PHC.

"Dorsh naman." Inilagay niya ang magkabilang kamay sa kanyang bewang at pinandilatan ako na parang nanay.

"You've been waiting for ten years Kleng. Tapos ano? Pakakawalan mo lang pala? Bat ka pa nag antay?"

Napabuga ako ng hangin sa sobrang frustration. It's like waiting for someone without any definite reason at all, but still i've waited. Because i love him without expecting anything in return.

"I don't know. Bawal ba? Tsaka hindi ko nga alam kung may girlfriend siya o mahal na iba."

The thought of him kissing someone else suffocates me. Pero may magagawa ba ako? Kung saan siya masaya, dun ako.

"Para kang timang. Aba syempre hindi imposible yun. Kung may mahal na siyang iba saka mo pakawalan. Pero kung wala, landiin mo naman muna!"

Nasapo ko ang aking noo. Sumasakit ulo ko sa pinagsasabi nito ni Dortia.

"Wala akong balak, okay? Please, let's just drop it." Hindi siya makapaniwala at inirapan na lang ako.

Dortia and my family were the only ones who knew the truth. I was begging them to hide it from Koa all those years, at sumunod naman sila.

But they never liked my decision. They said it was unfair. Said it was stupid. Said it was too selfless.

For me. It was just necessary.

Have i regretted it?

Sometimes. When i miss him so much i feel like dying, i sometimes think kung worth it ba ang ginawa ko. God knows how many times i have stopped myself from video calling him.

Nang matapos mag ayos ay sinundo na si Dortia ng kanyang asawa. Tiningnan ko silang dalawa na naglalandian sa living room.

He's a Medtech na nakilala niya sa UST and i'm so excited for her to have a baby pero inaantay niya pa daw akong magkaasawa.

Parang baliw.

"See you sa heart center tomorrow. Finally we're on the same hospital after 10 long years. Akalain mo yun?" Nagtawanan kaming dalawa.

"And don't you dare think i'll help you with your martyrdom. Ngayong nanjan kayong dalawa sa puder ko, i'll do everything para magkatuluyan kayo, okay? So don't stop me cause i wanted my child to have a cool ninong at hindi yun mangyayari kung di kayo."

"Dortia!" Saway ko sa kanya. Binelatan niya ako at lumabas na sa aking apartment. Her husband just looked at me apologetically.

When they finally left, I looked around the apartment feeling satisfied. Tumingin ako sa bintana at napasinghap nang makita ang mumunting kahel na bulaklak ng paborito kong puno.

Oh my God. They're finally blooming.

This is one of the reasons why i like Quezon City. Halos lahat ng kalsada dito ay mayroong flame tree na nakatanim sa gilid nito. And now to see them right in front of my window every day, i'm so happy.

Kinabukasan ay pumunta ako sa malapit na gym para mag box. It's my routine before going to the hospital. I have been hitting the gym ever since, not exactly to be fit. Sa sakitin kong to, sanay na akong payat ang katawan, exactly the reason why i have to go to the gym. I have to build up stamina sa propesyon kong ito. Kahit nga ang vitamins ay iniinom ko na rin kahit madalas akong nasusuka. If i wanted to save a patient, i have to live healthy first.

Nang makarating doon ay kaagad akong sinalubong ni Justin, my new gym instructor pero mas mukha pang lalaki kaysa sa kung sinong lalaking kilala ko. He's gay you know. 

"Doc. You're so pretty." Bungad niya sa akin. Buti na lamang at jowa siya ng dati kong gym instructor sa Manila kaya kilala ko na siya.

"Thanks Jus. Ikaw din." Sabi ko at nginisian siya. Ngumisi siya pabalik at sinundot ba naman ako sa tyan.

"Magjowa ka na please!" I rolled my eyes at him at tinawanan niya lang ako.

Isinuot ko ang aking boxing gloves at nagsimula nang mag box kasama niya. I threw a few punch at minsan ay umiiwas din sa mga suntok niya. Tinuruan niya rin ako ng ibang stunts, guiding my arms how to punch.

Nang matapos akong turuan ay iniwan niya muna ako pansamantala para turuan din ang iba. I threw some punch on the punching bag in front of me. Nang gumalaw ang bag ay napatigil ako nang mahagip ng tingin si Koa na nagte-treadmill.

Fate. Bakit napakabuti mo sa akin? Nung una ang heart center, ngayon naman ang gym? Talaga ba? Gusto mo bang landiin ko siya?

Huminga ako ng malalim at naglakas ng loob na mag tread mill katabi niya. Nagpanggap akong nakatingin sa labas at minabuting hindi siya tingnan.

"Stop pretending. I know you know i'm here." Napalingon ako at nadatnan ang matalas niyang tingin.

I opened my mouth but closed it immediately. Wala rin pala akong sasabihin. Iniwas niya ang kanyang tingin at nagpatuloy sa pagtakbo.

"I just wanted to ask something." Pagrarason ko kahit wala naman talaga.

"What?" Malamig pa sa yelo niyang tanong. Napaisip tuloy ako ng magandang tanong.

Shet, wala akong maisip.

Taga UP ka ba talaga Claire, bat di ka marunong lumandi.

"Claire where are you?" Hinahanap na pala ako ni Jus. Kumaway ako sa kanya para hindi na siya maghanap. He gave me a meaningful look when he saw Koa beside me kaya pinanlisikan ko siya ng mata.

"You're such a flirt." Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig iyon mula kay Koa. He said that with his voice full of disgust. I bit my lip, stopping myself from crying.

Ano nga ba ang ineexpect ko? I cheated on him. I should have internalized that before talking to him on the first place. Mukha ka sigurong desperada sa harapan niya Claire.

"I'm sorry." Sabi ko at lumayo mula sa kanya, biting my lip harder while walking towards the comfort room. Agad na bumuhos ang luha ko nang makapasok sa isang cubicle.

Ang sakit pa rin pala.

Akala ko sanay na ako. 

I composed myself at tinampal tampal pa ang sarili. Stop this shit Claire. Mukha kang tanga.

Nang makalabas sa banyo ay wala na si Koa sa gym. Nagpaalam na rin ako kay Justin para magduty ngayong araw.

Nag jogging ako patungo sa Heart Center, took a shower and prepared myself for the day ahead.

Dortia met up with me in front of the Pulmonary Department. She's Dr. Martinez' colleague actually, yung kasama ni Koa sa PGH.

"Ready ka na?" Tanong ni Dortia sa akin.

"Never been this ready." Confident kong sagot pero tumatalbog pa rin ang dibdib. Kahit naman siguro sino ay kakabahan pa rin kapag may bagong nangyayari sa buhay.

"Claire, this is Dr. Alexandria Alejo. She's your department head." Pakilala ni Dortia sa kay Dr. Alejo. She's a tall woman, probably in her 50s at siya lang naman ang sinasabi nilang perfectionist na doktor.

"Hi doc." Nakipagkamay ako sa kanya, eager to learn under her tutelage.

"Hi Dr. Santos." Sabi niya sa akin at nakipagkamay rin. "And this is Dr. Ramirez. She's going to be your mentor." Pakilala niya sa kanyang katabi. Napakurap kurap ako nang matanto kung sino ang kaharap. She's Koa's blockmate and friend, Silver.

"Hi Claire. You're finally a doctor." She said coldly. I smiled at her and tried to hide the discomfort i'm currently feeling.

"I'll do my best to support you, Doc." Sabi ko sa kanya.

"You should. We don't tolerate incompetence." Mabilis na tumalbog ang puso ko sa kaba.

I don't think this fellowship training will be easy. Even so, i'm fired up. I don't back down from a challenge anyway.

once upon a september ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon