"Have you processed the papers for Rose's discharge?" Silver asked me one afternoon. Napatitig ako sa kanya, wondering what's going on in her mind. She's the only one who's treating me normally dahil jusko, ang buong hospital kung tratuhin ako parang bayani. What the heck.
"Yes doc. Pinadouble check ko na rin kay Dr. Alejo." Tumango tango siya.
"Do one final check before signing the papers." Sabi niya at ipinagpatuloy ang kanyang ginagawa.
Napasandal ako sa aking upuan, wondering what will happen for the next days. I just hope this tingling feeling in my heart would finally fade away.
Koa went to my clinic almost everyday. Minsan sasamahan niya akong kumain, pero madalas ay tinititigan niya lang ako. He would smile at me but all i could see is the sadness in his eyes.
"Hindi mo kailangang gawin ito, Koa." I would always tell him, but he never listened at ipinagpatuloy lang ang pagsama sa akin. Mas gusto ko pa nga atang pagusapan ang lahat kaysa ganito siya.
The day or Rose's discharge finally came kaya lahat kami ay nag laan ng oras para mag paalam sa kanya.
"Doc Claire." Kinagat ko ang labi ko nang makita ang luhaang mukha ni Rose. Kahit pa matagal na siyang nakaadmit dito ay hindi ko akalaing iiyak siya sa araw ng kanyang pagkadischarge. Nandito kami sa may labas ng hospital kasama sina Silver, Koa pati na rin ang mga nurses na nagalaga kay Rose.
I leaned down and leveled my eyes with hers saka hinawi ang kanyang buhok.
"Be happy Rose. Sa wakas makakapag aral ka na din ulit. Basta kumain ka ng maraming gulay ha, tsaka magpataba ka." Ani ko na napasimangot sa kanya.
"Doc naman. Ayoko po tumaba. Gusto ko kasing seksi niyo lang ako para makapag boyfriend din ako kagaya ni Dr. Koa."
Napangiti ako sa sinabi niya, at ginulo ang kanyang buhok. Sasagutin ko sana siya pero naunang magsalita sa akin si Koa.
"That's not the reason i fell for her."
Ramdam ko ang pagpula ng mukha ko kaya napatuwid ako nang tayo. Matalas kong nilingon si Koa at nakatitig lang din siya sa akin kaya ibinalik ko na lamang ang tingin kay Rose. She grinned at me playfully at nang tumingin din ako sa paligid ay nakangisi din sila sa akin. Damn Koa.
"You're still a kid. Mag aral ka muna." Masungit na sabi ni Dr. Silver, pero ramdam ko na may tono ng protectiveness iyon.
"Opo docccc." Umiwas ng tingin si Silver making me grin.
Sa huli ay masayang umalis si Rose. She was smiling at us happily, waving and grinning from ear to ear. I continued biting my lip until she was finally gone.
I hope you'll never get sick again.
Nang naglakad kami papasok sa hospital ay nakasalubong namin si Dortia. Diretso kong ipinirmi ko ang aking tingin kaya hindi ko alam kung nakatingin ba siya sa akin o hindi. I'm still hurt though, but not mad anymore. Ilang araw na kaming hindi nagkikita at namimiss ko na siya. Sigh.
Nang malagpasan siya ay mas lalong bumigat ang pakiramdam ko. Mabuti na lamang at may operasyon si Koa kaya nakapag isip isip ako sa aking clinic.
I have to fix these relationships. It's having an emotional toll on me already.
"Coffee?" Napalingon ako sa kakapasok lang na si Silver, may dala dalang starbucks coffee cups. Inialis ko ang titig sa kahel na puno sa aking bintana patungo sa kanya.
"Thanks." Sabi ko. Inilapit niya sa akin ang starbucks cup at hinipan ko iyon bago ininom. Umupo siya sa harapan at kumportableng ininom ang kanya.
BINABASA MO ANG
once upon a september ✅
RomanceOnce upon a September, an ordinary girl was noticed by an extraordinary boy. ** Claire's only dream is to become a doctor. As a BS Biology student in UP Manila, at dahil naging pasyente na rin siya noon, nais niya lamang makatulong at makapaggamot...