Chapter 15 - Same Smile

36 0 0
                                    

Pagod akong sumalampak sa kama at ipinikit ang mata. Bumiyahe kami kagabi mula Ilocos at ngayong umaga ay kakarating lang namin pero kahit buong byahe akong tulog ay pakiramdam ko antok na antok pa rin ako.

Tinext ko muna si Koa saglit at sinabing nakauwi na ako saka ipinikit muli ang mata.

"Kleng Kleng!" Napabalikwas ako sa kama nang marinig ang boses ni Dortia at napaupo nang wala sa oras.

I rubbed my eyes at pumikit pikit pa bago siya tiningnan. Napakunot ang noo ko nang makitang kanyang ibinuhos ang dala dala mula sa isang plastik papunta sa lamesa ko.

"Ano yan?" I stood up saka lumapit sa kanya. Tiningnan ko iyon isa isa at nakitang sabon, moisturizer at mga kung ano ano pang mga pam paganda.

"These, my dear, are Dortia's beauty secret. And i'm giving them to you!" Mas lalong kumunot ang noo ko.

"Para saan?" Pinandilatan niya ako ng mata saka iginiya at pinaupo sa kama sabay hinawakan ang mukha at buhok ko.

Weirdo kong sinundan ng tingin ang mga pinaggagagawa niya.

"Ay nako Kleng. Kung ano ano kasing naririnig ko tungkol sa taste daw ni Koa. Alam mo yang mga pretty girls it girls ano pang girls jaan kung ano anong panghuhusga ang gigawa sayo. Nauurat ako!"

"Ano naman, yaan mo sila." Sabi ko.

Aware naman ako dun, tsaka hinanda ko rin ang sarili ko bago sinagot si Koa, pero siyempre i still feel hurt, lalo na mung sinabi ni Bianca na "he's out of your league, cous" sarap sabunutan.

"Gaga! Syempre gets ko naman yun. Nagkagusto nga sayo nang wala kang ginagawa shet, ano ba naman laban nila dun. Pero i'm not saying it's for him, i'm saying do it for yourself. Be better, para sa bayan!" Binatukan ko nga. Ano namang konek ng bayan sa kagandahan ko.

Pero tama naman siya. Besides, wala namang mawawala sa akin kung ilevel up ko ang beauty ko hindi ba.

"K." Tipid kong sagot.

"Ayyy! Very good. Lika, mag face mask tayo daliii." Ayun, nawala na ang antok ko at nagkalikot kami buong umaga ng mukha namin.

Pagkatapos mag lunch ay pumunta kami ng salon dahil pinipilit niya akong magpalit ng hairstyle.

"Ayan, bagay sayo!" Pumalakpak siya nang sa wakas ay tapos na akong gupitan.

Ang medyo mahaba kong buhok ay pinaklian ko hanggang balikat saka pinarelax. Inipit ng hairdresser ang nalalalag kong buhok sa kaliwa kong tenga at nagpakita ang maliit kong earstud.

"Ganyan lagi, miss. Para makita ang ears mo. You look sophisticated!"

"Yes diba, Ate? Sabi ko sayo Kleng mas magmumukha kang sosyal."

Hindi na ako nakasagot dahil biglang nagring ang cellphone ko. Agad ko iyong sinagot at narinig ang boses ni Koa.

"Are you busy?" Tanong niya sa kabilang linya.

"Hmmm. Hindi naman." He fell silent, na para banag may pinagiisipan.

"Can i..."

Hinintay ko kung anong sasabihin niya.

"...meet your family now?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Dortia looked at me kaya sinenyasan ko siyang magbayad na at aantayin ko siya sa labas ng salon.

"Ngayon na?" I asked at sumandal sa pader sa labas.

"If you don't want to..."

"No!" Mabilis kong agap. "Okay lang, i mean. Nasa labas kasi ako kaya ko tinatanong." Natatawa kong sabi. He's just so cute. Okay naman na sa akin kung bigla na siyang susulpot dahil may karapatan na siya sa akin. Char.

once upon a september ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon