"Tadan, luto na!" Pumalakpak kami ni Cleo nang makitang luto na lahat ng pagkain para sa New Year. Niyakap namin si Lola at saka hinalikan.
"Ay nako, mabaho pa ako mga apo!" Pero wala kaming pakialam at patuloy lang siyang niyakap.
Pinicturan ko ang mga iyon at sinend kay Koa. Hindi kami magkasamang nagcelebrate ng pasko pati new year dahil syempre may kanya kanya kaming pamilya at reunions sa mga araw na ito.
Koa is having a family gathering somewhere in Batangas, at kami naman ay nasa Ilocos para sa family reunion sa side ni papa. Napakadaming makukulit na bata at mga bagong mukha na hindi ko kakilala. It's a big neighborhood, at halos lahat ng kamag anak namin ay magkakatabi ang tahanan, kaya kapag lumalabas ako sa bahay ni Lola ay malamang makakasalubong ko ay kamag anak.
Introductions dito, introductions doon at pinapakilala kung kaninong anak at apo ka, pangilan at kung anong kursong kinukuha sa college. Siyempre di rin mawawala ang mga linyahang, "ang anak ko ganire" at "tapos na ang anak ko sa" at kung ano ano pang kayabangan.
"Balita ko mag dudoktor si Claire ah. Sa UP din ba?" Ngumiti ako ng hilaw nang matanong si mama ng isa kong tita.
"Kung saan niya gusto at kung saan siya masaya, aba'y kahit saan. Kung UP, eh di UP."
"Ay talagang dapat UP! Third year ka na diba? Dapat paghandaan mong mabuti ang NMAT, saka mag aral nang mabuti. Mahirap pa naman makapasa sa UP Med. Ang anak ko nga ay nako, nung hindi nakapasok, umiyak! Summa Cum Laude na iyon ha. Ikaw ba Claire? Running for honors ka din ba?"
Napangiwi ako lalo. Nasa Dean's List naman ako consistently, pero parang di kaya kahit Magna Cum Laude man lang.
"Lagi namang Dean's Lister yang si Claire." Sagot ni mama at sinenyasan akong umalis na doon dahil ayaw niya ring ginugulo ako tungkol sa school.
Bakasayon nga e.
"May boyfriend na ba siya?" Dinig ko pang tanong nito bago ako tuluyang makalayo.
Naglakad lakad ako sa labas ng bahay ni Lola, saka ko napansin ang pamilyar na mukha.
Napatingin din siya sa akin at agad kaming nag turuan.
"Oh!" Sabay naming sabi.
"Magkamag anak tayo?" Natawa siya sa tanong ko.
"Malay. Sino bang lola mo?" Ako naman ang natawa sa tanong niya. "Just kidding. Sinamahan ko lang ang pinsan ko."
Ah!
Biglang may nag **ting** sa utak ko. Alam ko na kung saan ko siya nakita! Halos kaparehas ng sinabi niya noon, sinamahan niya lang din ang kanyang kapatid. Kaya siya tumatak sa utak ko ay dahil nakaputi siya at napagkamalan ko siyang nurse sa hospital.
Base sa mukha niya, parang naalala niya na rin kung saan kami nagkita.
"Ikaw yung kaibigan ni Joan." Nanigas ang buong katawan ko sa narinig, at may kung anong kirot na naman ang dumapo sa puso ko.
"Ikaw yung kapatid niya." Sabi ko nang napagtanto kung sino siya. Naalala niyo yung sinasabi kong kaibigang namatay? That was Joan.
Ka-'batch' ko siya sa San Lazaro, meaning magkasabay kami halos sa treatment. Kaso, sa kalagitnaan ng gamutan ay bumaba na naman ang resistensya niya kaya siya tuluyang namatay almost three years ago.
Napabuga ako ng hininga.
"Kamusta?" Sabi ko at malungkot na ngumiti.
"We're still... getting through it." Sabi niya saka tipid akong nginitian. Tumango tango na lamang ako, dahil hindi ko rin naman alam kung anong sasabihin.
BINABASA MO ANG
once upon a september ✅
RomansaOnce upon a September, an ordinary girl was noticed by an extraordinary boy. ** Claire's only dream is to become a doctor. As a BS Biology student in UP Manila, at dahil naging pasyente na rin siya noon, nais niya lamang makatulong at makapaggamot...