Lutang, sabog at sabaw ako dahil ngayong araw na yung basketball.
At nagtagal na naman ako sa salamin nang dahil sa lesheng damit na isusuot.
Kainis.
"Aba aba, teka. Bakit may pagskirt si ate gurl? Ano to, kala ko ba basketball. Magchicheerdance ka ati?" Sinapak ko nga si Dortia dahil kung ano ano ang pinagsasabi.
"Aray naman! Pero Kleng, ang ganda mo. Anong meron? May lakad ba tayo after?"
She asked me innocently. Nginunguya niya ang chips na hawak at walang kaalam alam na ang buong sistema ko nanginginig ng walang dahilan.
"Wala! Tara na pasok na tayo para makaupo tayo sa harap."
Pagpasok namin ay ibat ibang kulay mga unibersidad ang bumungad. May blue, green, yellow, maroon at iba pa.
Ang daming tao, kaya bakit naman ako kinakabahan?
Umupo kami sa assigned seat namin, malapit sa mga schoolmates naming nakamaroon at nakihingi na lang din kami ng balloons at kung ano ano pa.
"Ahhhhh! Excited na ako Kleng! Mananalo na naman tayo nito yes!"
Hay grabe hyper ni Dortia. Excited masyado. Nagrelax ako at tumawa. Well, this is actually much more exciting than watching tv, you know. Mas makikiisa ka sa mga kaklase mo para suportahan ang mga taong nagtataas ng bandera ng school niyo. Kaya naman nang pumasok sina Koa ay sobrang lakas ng sigaw naming lahat para suportahan sila.
"Ang pogi mo Koa!" Sigaw ni Dortia sa tabi ko. Ang baliw talaga neto. Buti na lang maraming tao.
Lumingon si Koa sa may banda namin. Mejo malapit kami sa court dahil sa ticket na bigay ni Koa, kaya naman nakita niya ako at nagtama ang mga mata namin.
He smiled bago tuluyang sumama sa kateam niya.
I bit my lips at pinigilan ang ngiting sumisilay sa aking labi.
"Ow my ghad! Kita niyo yun? Kita niyo yun?" Nagwala ang mga kababaihan sa may banda namin nang dahil sa nangyari at mas lalo kong tinadtad ng ngipin ang labi.
Kahit si Dortia ay nabaliw na kakasigaw.
God, Koa. Look at how you affect these women. Masisi mo ba ako kapag tumitibok ang puso kong ito?
Napahinga ako ng malalalim.
Buong laro ay nakicheer, nakichant, nakibaliwbaliwan kami ni Dortia sa mga kasama naming taga univ.
"U-nibersidad! Ng Pilipinas!"
Hanggang sa matapos ang laro at nanalo kami ay lahat kami'y nagbunyi.
"Grabe ang saya saya nun Kleng!" Tili parin ng tili si Dortia habang pinaguusapan ang game. Nandito kami sa MOA at kumakain sa jollibee pagkatapos naming magpictire picture.
Tinitigan ko aking cellphone, iniisip kung magchachat ba ng congratulations o personal na lang o okay lang ba na ichat ko siya?
Napayuko ako sa mesa at sinipsip na lang ang coke float na iniinom.
"Sino ba yang kachat mo at di mo ko pinapansin?" Tanong ni Dortia sa akin saka sinilip ang cellphone ko na agad ko namang nilayo mula sa kanya.
"Claire, may boyfriend ka na ba?" Pinandilatan niya ako ng mata at pilit na inagaw sa akin amg cellphone ko.
"Dortia!" Wala na akong nagawa at nakuha na niya ang cellphone kong nakatambad sa chatbox namin ni Koa.
Nanlaki pa lalo ang mga mata niya nang makita ang screen ko. Pinikit ko ang mata ko, inaantay ang tili niya.
BINABASA MO ANG
once upon a september ✅
RomansaOnce upon a September, an ordinary girl was noticed by an extraordinary boy. ** Claire's only dream is to become a doctor. As a BS Biology student in UP Manila, at dahil naging pasyente na rin siya noon, nais niya lamang makatulong at makapaggamot...