Chapter 12 - Milk Tea

40 0 0
                                    

"Mama, si ate tulala na naman." Napapikit ako ng mariin bago pinanlisikan ng mata si Cleo.

"Ay nako, wag mong guluhin yang ate mo dahil hell week. Mind your own business."

"Wow ma, english!" Sabay naming sabi ni Cleo at tawa kami ng tawa dahil sa nangyari.

"Ano, nabasa ko lang." Mas lalo kaming natawa sa sinabi ni mama.

Ay nako kapag nalaman nilang may manliligaw akong pogi, hindi sila maniniwala hanggat di nila nakikita.

Maagang namatay si papa kaya naman mas pinagbubutihan namin ni Cleo ang pag aaral. Scholar kami mula pagkabata kaya naman walang kaproble problema si mama sa pag papaaral sa amin, tsaka sapat naman ang mga natatanggap naming allowance galing sa DOST, LANI at iba pang scholarship na meron kami kaya hindi niya na rin kailangang magtrabaho, pero nanahi pa rin siya for extra income.

Biglang may kumatok sa pintuan namin. Pagkabukas nito ay tumambad sa harapan ko si Dortia na abot tenga ang ngiti nang makita ako.

"Kleng kleng!" Lunes kasi ngayon at wala kaming pasok, pero nung sinabi ko sa kanya ang nangyari nung weekend, aba naman at kinancel niya lahat ng plano niya sa araw na ito para lang maki chismis in person.

"Tita, si Kleng Kleng lumalandi na po!" Masaya niyang bati sa mama ko. Pinandilatan ko siya ng mata dahil di ko pa nga nasasabi sa kanila, nauna na siya! Bida bida amp.

"Ha? Si Kleng may boyfriend na nga?" Hindi makapaniwalang sabi ni mama. Lumapit siya sa akin at tuwang tuwa ba naman. Mula kasi nung nagkasakit ako ay pinayagan na niya ako sa kahit ano, kaysa naman daw mamatay ako at di ko maranasan yun.

Hindi ko alam kung matutuwa ba akong pinayagan mag jowa, o maiinis na iniisip niyang mamatay na ako.

"Wala PA po. Nanliligaw pa lang." Sagot ni Dortia saka humagikhik.

"Oh kaya nga siya tulala, sabi ko sayo ma e." Pagsang ayon pa ni Cleo.

"Sino ba yang manliligaw mo? Kailangan makilala namin nitong kapatid mo at makilatis. Mahirap na, baka masaktan ka lang." Wow, napakacaring naman po pala ng nanay ko.

"Ay nako tita! Si Ronan Koa po! Yung MVP?" Nawala ang ngiti sa mga labi nina mama at ni Cleo. Nagtaka naman kami ni Dortia sa reaksyon nila.

Ayaw ba nila kay Koa?

"Hell week nga siguro, ano?" Muntik ko na silang itaboy palabas ng bahay.

Ganun ba kataas si Koa para hindi ko maabot ha?

Nanlumo ako dahil oo nga. Ganun na nga.

For the first time since we two talked, naramdaman ko ang overwhelming insecurity. I suddenly feel so insignificant.

Hay.

Sinimangutan ko sila at nagkunwaring nagtampo, pero hindi maialis sa utak ko ang mga what ifs.

What if Koa's feelings is just a bliss? Panandalian lamang at kapag nahulog na ako ng napakalalim ay narealize niyang hindi naman pala niya ako gusto?

My heart ached at the thought.

Sumama sa akin si Dortia paakyat sa kwarto at nagtatalon sa kama bago ako niyugyog.

"Napakaswerte mong animal ka. Kabatch mo siguro si Rizal sa past life mo." Kahit nakakatawa yung sinabi niya ay hindi ako makangiti. Seryoso ko siyang tinitigan bago huminga ng malalim.

"Dorsh, paano kung hindi naman talaga ako ganun kagusto ni Koa?"

"Ha?" She frowned at me.

"Paano kung phase lang pala to at bukas makalawa nagising siya at pinagsisihan yung mga sinabi niya sa akin? Paano kung --" Napatigil ako nang maramdaman ang sampal ni Dortia sa pisngi ko.

once upon a september ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon