"Tadan." Inilagay ko ang finishing touches sa cake na ginawa ni mama. I don't know how to bake kaya tumulong na lang kami ni Cleo sa pag decorate. We've decided to bake a cake for my dad's death anniversary, just to lighten up the mood.
I took off my gloves at napatingin sa cellphone kong umilaw. I checked and saw Koa's message.
Koa: We're boyfriend-girlfriend right? Dortia's asking.
Napangiti ako ng wala sa oras. Damn, why is my Koa so cute?
Me: Yes we are!
Reply ko sa kanya. So Dortia really asked him, huh? Sasakalin ko talaga ang babaeng yun.
"Ate sino yan?" Napatago ako ng aking cellphone nang biglang sumulpot si Cleo sa tabi ko, but then i realized that i'm not doing anything wrong. Pinanliitan niya ako ng mata at pinilit na dinungaw ang cellphone ko. Hindi na ako nagprotesta at iniharap sa kanya ang phone screen. Lumaki ang mata niya sa nakita.
"Oh my gosh!" Inilapit niya ang mukha sa cellphone screen ko at iniscroll scroll pa iyon na kaagad kong pinigilan.
"Tama na, sobra na yan." Niyakap niya ako at nagtititili. "I'm so happy for youuu."
Napatawa ako sa reaksyon niya. I know that both mom and Cleo are worried about me, kahit di nila sinasabi. And to finally have my happy ending like this, i totally understand why she's this ecstatic.
"Ano yan?" Nagtatakang tanong ni mama. Kumalas si Cleo sa yakap sa akin at tumingin kay mama.
"Mama! Sis and Kuya Koa are back together." Masayng sabi ni Cleo, but i never expected mom's expression. She looked at me and i saw the fear in her eyes. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang magkabila kong balikat.
"Sigurado ka, Claire?" Tanong niya sa akin habang nagaalala akong tinitigan.
"Siya lang naman ang minahal ko, ma." I said and smiled sadly at her. Her expression turned into a soft one and looked at me tenderly. Niyakap niya ako ng mahigpit at hinagod ang aking likod.
"Basta hindi ka lang masasaktan ulit." She said and kissed my cheek. "Unahin mo naman muna ang sarili mo anak, ha?" Kumalas siya sa pagkakayakap at saka inipit sa aking tenga ang nalalaglag ng hibla ng aking buhok.
"Yes po, ma." I said, half heartedly. I can't really promise her anything.
We ate our dinner and watched a movie before finally going to bed. Nagbasa basa ako ng medical journals pampaantok.
"Sis, can you proof read for a bit? Kailangan ko lang ipasa to bukas." Sabi ni Cleo at dumungaw sa pintuan ng kwarto ko.
"Akin na." Lumapit siya sa akin at umupo sa kama ko. She's finally a journalist and doing some documentary work for a magazine. I've set aside the medical journals and read her work, higlighting some typos when my phone vibrated beside me. Kaagad ko yung binuksan dahil akala ko nagreply si Koa, pero nagulat ako nang makita ang text ni Dortia, saying "I'm sorry."
Napakunot ang noo ko. She might be saying sorry regarding her asking Koa? Nagtipa ako ng message at sinabing okay lang.
Nagpatuloy ako sa pagbabasa ng article ni Cleo but stopped again when i heard someone knocking on our front door. Nagkatinginan kami ni Cleo, nagtataka kung sino naman ang kakatok ng ganitong oras e alas dyes i media na.
Sabay kaming lumabas sa kwarto at nakita sa ibaba ang pagbukas ng pintuan ni mama. I hurriedly went down when i saw Koa entered our house.
"Koa--" Napatigil ako nang nagtama ang paningin namin. His eyes are bloodshot and red, na para bang kakagaling niya lamang sa iyak. Napalakad ako papalapit sa kanya, making sure that he's okay.
BINABASA MO ANG
once upon a september ✅
RomanceOnce upon a September, an ordinary girl was noticed by an extraordinary boy. ** Claire's only dream is to become a doctor. As a BS Biology student in UP Manila, at dahil naging pasyente na rin siya noon, nais niya lamang makatulong at makapaggamot...