Aligaga ako buong araw. And i even spent time looking at my face on the mirror early in the morning wondering what to wear.
Ilang beses akong papalit palit ng damit at naubos ko na yata ang lahat ng pagpipilian sa drawer ko pero hindi parin ako makapagdecide.
Aaahhhhh. Life. Gusto ko biglang bumili ng damit.
In the end, i decided to wear my usual clothes. Ayoko rin namang isipin ni Koa na nagbabago ang ng itsura ng dahil sa kanya.
I even let my hair be kind of messy dahil ganito naman ito araw araw.
Today's different. When we saw each other before, they were always chance encounters. But today is planned and i can't get my head out of it, my whole system is so nervous like it was my first date or something kahit di naman. Gaga ko talaga.
Kahapon, nang sabihin ko kay Dortia na meron akong free tickets sa basketball ay nagtatalon siya at tinatanong ako kung kanino ko iyon nakuha.
Sinabi ko na lang na sa kaklase ko sa isang subject (na hindi kami magkaklase) at hindi daw makakapunta dahil may lakad siya.
Bumenta naman sa kanya.
And now here i am looking at Koa's facebook profile wondering if i should add him and message him kung saan kami magkikita.
This is making me crazy.
"Huy! Ano yan? Bat mo tinitingnan profile ni Koa?" Napatalon ako nang marinig ang boses ni Dortia. I almost hid my phone pero hindi ko itinuloy dahil mas lalo siyang magdududa.
"Nakita ko kasi sa feed ko pangalan niya, tiningnan ko lang profile." Pagrason ko naman. Normal naman mangstalk ng crush no, naku tingnan natin kung ilang beses niyang tiningnan profile ni Koa.
"Oh okay. By the way, where are the tix? Le me see!" Inilahad niya ang palad niya sa akin. I stared at her blankly.
"Kukunin ko pa lang ngayon." Sagot ko nalang sa kanya.
"Ay. Pero sure yan ah, baka nijojoke mo lang ako."
"This is legit i swear."
Pumasok na kami sa NatSci class namin and as usual, mga bato na naman ang topic.
Buti na lang magaling ako sa mga ganito kaya hindi ko na kailangan makinig. Lol.
I do some advance studies madalas because i'm running for laude. I need to do some double effort, especially that my momentum was disrupted nang magkasakit ako.
Still, hindi ako susuko. Kaya nga nila, kakayanin ko din!
I stared at my phone again and saw Koa's profile nang biglang may nagnotif.
I clicked on it and my eyes grew wider nang makita ang isang Friend Request.
Ronan Koa Saavedra.
Is this even real.
I clicked Accept and smiled like crazy.
"Miss Santos, what do you call a white mica?" Napalingon sa akin si Dortia at binigyan ako ng kaya mo yan look.
"Muscovite sir." Sagot ko kaagad at nginitian si sir na parang tanga.
I can answer all of his questions at the moment. Haha.
Nang matapos ang klase ay nagligpit na ako ng mga gamit. Saglit kong tiningnan ang cellphone ko na nasa messenger app. Tinitingnan kung magmemessage ba ako sa kanya o hindi.
I kept on staring on my phone habamg naglalakad palabas ng room at buwiset na wave button na yan napindot ko!
"Hala!" Shunga ka Kleng!
"Bakit Kleng, anyare?" Inilayo ko sa tingin ni Dortia ang cellphone ko bago pa man niya makita ang nangyari at napatigil ang kamay ko midair nang makita ang nasa harap ko, nakakunot ang noong nakatingin sa cellphone habang nakasanadal sa dingding.
"Holly molly hot guy, 12 o clock."
Ang mga babae sa paligid ay pasimpleng tumitingin sa kanya. Not so obvious because they were girls with class.
Nag angat siya ng tingin at agad niya akong nakita.
Oh no.
No, no, no, he's not gonna give the tickets to me this very moment right?
"Dorsh! Ano, may kailangan pala ako gawin. Una ka na sa klase ha! May dadaanan lang ako." Sabi ko kay Dortia at agad na kumariaps ng takbo palayo doon.
"Teka saan---"
I ran fast papuntang rooftop at naramdaman ko kaagad ang pagkontra ng baga ko.
Sorry lungs! Kailangan lang, minsan lang naman.
Pagkarating sa taas ay inilabas ko ang cellphone at nakita ang wave back at chat ni Koa doon.
[Late for your next class?]
Napahinga ako ng malalim at naguilty sa chat niya.
Hindi ba obvious na tinakbuhan ko siya? God, i hope not.
[Yup.] Chat back ko sa kanya.
"So this is where your class is huh?" Nanlaki ang mga mata ko at napatingala sa nagsalita.
I stammered for something to say pero walang lumabas sa bibig ko.
He opened his bag at kinuha sa front pocket nito ang dalawang tickets. He handed it to me and i acccepted slowly, afraid na baka bawiin niya dahil sa inasal ko.
"Thank you. Tsaka sorry." Sabi ko na lang. I don't know if he will understand me though. Ipinasok ko sa bag ang tickets pero nakatingin parin ako sa kanya.
Maybe he's aware of the reason, but considers my feelings. Gaano ka kagentleman kuya?
I just don't want people to think that there's something going on between the two of us. I mean, me myself, i'm not even sure.
It's impossible, pero napapaisip ako at napapapunta ang utak ko sa isang imposibleng rason kaya pinipigilan ko na lang.
But i wanted this to go on forever. This feeling. This moment. I don't want it to stop kahit na hindi naman ako sure.
Baliw na ba ako?
"Is it okay for you to run like that?" Pagiba niya ng usapan. Napatingin ako sa kanya, iniisip kung anong ibig niyang sabihin.
"Oo naman. Bat mo natanong?" Tanong ko pabalik. Huminga ako ng malalim at wala naman akong nararamdaman na kung ano sa baga ko.
Tinitigan niya akong mabuti at umiling.
"Nevermind. I got to go." He waved me goodbye saka tumalikod papaalis, then he stopped and turned to me once again.
"I won't ask for reason from you. But the next time i'll come to you, i won't let you runaway."
He said at tuluyan nang umalis.
My heart is beating wildly.
This is the most impossible thing that have happened into my entire existence.
And my heart won't stop hoping that this is real.
Claire Santos, does Ronan Koa like you?
My cheeks went red when i thought of that question. Ipinikit ko ang mga mata ko at dinama ang hangin, na para bang wala akong klase in five minutes.
I hope the world would stop turning, or maybe it already did.
BINABASA MO ANG
once upon a september ✅
RomantizmOnce upon a September, an ordinary girl was noticed by an extraordinary boy. ** Claire's only dream is to become a doctor. As a BS Biology student in UP Manila, at dahil naging pasyente na rin siya noon, nais niya lamang makatulong at makapaggamot...