Dortia's POV
"Pssst. Martinez, saan tayo mamaya?" Tawag ko kay Dr. Martinez na busy sa kanyang ginagawa. Birthday niya ngayon at nag-aya siyang maginuman kaya ako naman ay go lang. Sana nga lang nandito si Kleng Kleng.
"Call me Dr. Martinez." Masungit niyang sagot.
"Dr. Martinez, saan tayo mamaya?" Pagulit ko sa tanong.
"Just follow me later and stop asking me question i'm busy!" Tinalikuran niya ako at nagpatuloy sa kanyang ginagawa. Hmmph. Sungit. Palibhasa nasaktan siya na sina Claire at Koa ay nagkakamabutihan. Ipinagkalulo ko daw siya. HAHAHA!
This day is so tiring. I had to attend to one patient of mine who had difficulty of breathing. And then there's this old lady that don't want to eat so i had to encourage her before drinking meds. Marami akong matatandang pasyente kaya hirap na hirap talaga ako araw araw.
Buti na lamang at nagaya mag party tong si Martinez. We're just going to drink wine, silly. Mga doktor kami kaya hindi pwedeng lasing bukas, excepttttt it's my day off tomorrowwwwwww so it's okay for me but not for them so I texted my husband to pick me up later.
We're going to Martinez's house which is nearby. Taga Quezon lang kasi siya. Hindi lahat ng kaibigan niya ay nakasama, pero nandito sina Koa at Silver pati na rin ang boss namin.
"Happy birthday to you." Inantay kong matapos ang kanta bago ininom ang isang baso ng wine. Martinez ordered a couple of foods for us dahil wala namang magluluto para sa kanya. Bida bida mag aya ordered food lang pala. Charrrr. Sana sa ospital na lang siya naghanda.
We drank and ate and laughed at Dr. Martinez's stories. May pagkacomedian pala siya.
Tumayo ako at pumunta sa kusina saka kumuha ng malamig na tubig sa ref. Napatingin ako sa mga magnet na nakadikit at nakita ang iba't ibang lugar na napuntahan niya. In fairness, ang dami na niyang napuntahan.
"Hey." Napalingon ako at nakita si Koa sa likod ko. He also took a bottle of water.
"Hey." Sagot ko. I wonder if Claire asked him already? Ugh. Naiinis talaga ako sa babaeng yun. Magtataning lang e di pa magawa.
"Claire and i are back together." Sabi niya as if reading my thoughts kaya nagulat ako. Napatitig ako sa kanya, tinatantya kung psychic ba siya LOL.
"Back as in back as a couple?" Pagsigurado ko. Kasi baka mamaya MU lang sila bubugbugin ko tong si Koa. Crush ko to dati pero nang iniwan niya si Claire, wala na akong amor sa kanya.
"Yes. As in... wait. She did not answer me regarding that." Napakunot ang noo niya at napaisip. Kinuha niya ang kanyang cellphone at nagtipa doon.
I chuckled and realized that i'm worrying for nothing. Koa still seems to be head over heels on my 'cheater' bestfriend. I still think that he deserves to know the truth though.
"Hey Koa." Tumigil siya sa pagtext at iniangat ang tingin sa akin.
"What?" But i don't think it should come from me though. Argggh.
"Nothing." Sabi ko na lamang at bumalik sa sa living room. I sat beside Silver and she just nodded at me.
I drank another glass of wine. Gusto ko lang magpakalasing at landiin asawa ko mamaya hahaha.
"Ilang taon ka na, Doc?" Biglang tanong ni Dion kay Martinez. Nakuuu si Dion na lang kaya ireto ko dito kay Martinez para makabawi naman ako.
"Hindi tinatanong ang mga ganyan." Nakasimangot niyang sagot at natawa kaming lahat.
"Sungit neto. Palibhasa nireject ni Claire kahapon." Sabay sabay kaming napalingon sa kay Dion. Anong pinagsasabi neto? I looked at Koa who just came back from the kitchen. He's staring at Martinez intently. Katakot.
BINABASA MO ANG
once upon a september ✅
RomanceOnce upon a September, an ordinary girl was noticed by an extraordinary boy. ** Claire's only dream is to become a doctor. As a BS Biology student in UP Manila, at dahil naging pasyente na rin siya noon, nais niya lamang makatulong at makapaggamot...