"Hindi pa rin kita pwedeng sunduin?" Ramdam kong nakasimangot si Koa sa kabila ng telepono. Naghahanda na akong umalis sa bahay at kanina niya pa ako kinukulit.
"Paalis na ako, magkita na lang tayo sa school." Masungit kong sabi. Narinig ko ang pag buntung hininga niya bago ko pinatay ang telepono.
I smiled a little. Kahit alam niya kung saan ako nakatira ay hindi naman siya biglaang sumusulpot. I'm an introvert, kaya ayaw na ayaw kong bigla biglang may nagpapakita sa bahay na hindi ko iniinvite, and I really appreciate that he's not that kind of person.
Today is the lantern parade kaya nang makarating sa school ay yun nakaparada na sa kalye ng padre faura ang malaking lantern ng College of Arts and Science. Hinanap ko ang linya namin at nakita kong nandun na si Dortia at blockmates ko.
"Oy, tabi, baka maapakan niyo buhok ni Claire!" I pouted and hid my face. The other blocks looked at us, malamang nagtataka kung bakit ang ingay ingay namin.
"Shh! Wag nga kayo!" Saway ko sa kanila, pero maraming beses pa nila akong tinukso bago tumigil.
The parade started so we marched and just laughed and danced with the music. Naglakad kami paikot at papasok ng UPM bago tuluyang tumigil at nag-gather sa loob ng PGH malapit kay oble.
The emcee started the program at nag special number ang dance and music organization namin.
I felt my phone vibrate at nakitang nag text si Koa.
Koa: [Want to snuck out?]
Napangiti ako. Well, lagi ko namang hindi tinatapos ang lantern parade. Lol.
Me: [To where?]
Ninuod ko ang special number habang hinihintay ang reply niya. Dortia is dancing beside me excitedly.
Koa: [Joy ride? See you near Dent's parking lot.]
My smile grew wider. Matagal tagal na rin akong hindi nakapag joy ride. Hindi naman po kasi ko rich kid, opo.
"Dorshh.." Tawag ko kay Dortia.
"Hmmm?"
"I have a date." Lumaki ang mata niya at tumango tango na parang binubugaw ako.
"Gora. Gawa ka na babies!" Hinampas ko siya ng malakas. Buti maingay sa paligid at walang nakarinig sa mga pinagsasabi niya.
Pagkatapos magpaalam ay dumiretso na ako sa parking lot malapit sa Dentistry.
Nakita ko si Koa na nakasandal sa sasakyan niya, wearing dark blue shirt, which is his college's color for today samantalang ako naman ay nakapula.
"San tayo?" Tanong ko nang makalapit, but he just smiled sweetly at pinagbuksan ako ng pintuan.
"You'll see." Pinanliitan ko siya ng mata bago pumasok sa kotse.
He drove his car at matapos ang ilang kilometro ay alam kong papunta kaming Antipolo. After a while, we stopped somewhere that overlooks the city lights, and my breath was taken away from me. It was near a hotel kaya abot kami ng dimmed lights mula doon, making it even more romantic.
Lumabas ako ng sasakyan at dinama ang simoy ng hangin. It was so beautiful i can't make out the words that will describe it. Nilingon ko si Koa at malumanay lang siyang nakatingin sa akin, making my heart beat faster.
My eyes darted towards the guitar and a tote bag he's holding. Umupo siya sa hood ng kanyang sasakyan at tinapik ang pwesto sa tabi niya.
"Sit here."
Lumapit ako at umupo sa kanyang tabi bago niya ibinigay sa akin ang tote bag. I looked inside and saw snacks and beverages, and even my favorite ice cream!
BINABASA MO ANG
once upon a september ✅
RomanceOnce upon a September, an ordinary girl was noticed by an extraordinary boy. ** Claire's only dream is to become a doctor. As a BS Biology student in UP Manila, at dahil naging pasyente na rin siya noon, nais niya lamang makatulong at makapaggamot...