Chapter 23 - Once Upon a September

34 0 0
                                    

Pumunta ako sa doktor kinabukasan for a checkup. I told Koa na magkikita kami ni Dortia para hindi na siya magtanong kung saan ako nagpupunta linggo ng umaga. I look like a cheating girlfriend, to be honest. 

I told the doctor that the pain is still there even though i've been taking the meds for a week, but he said that it's normal and the scar on the spine caused it.

Napahinga ako ng maluwag nang marinig iyon. At least it does not mean that the medicine is not working.

Nang makalabas sa ospital ay inisip ko kung uuwi na ba ako, pero pinili kong dumaan muna sa San Lazaro. 

The orange tree on my old hospital shone brightly on this September, at napatingala ako sa mga nahuhulog na dahon nito. Hinayaan kong mabagsakan ng mga iyon habang dinadama ang simoy ng hangin.

Most of the kids are discharged now, kahit si Juan. I was so busy for the past few months na hindi ko na rin sila naaawitan sa ilalim ng puno. Sa awa ng Diyos, isang bata na lang ang natitira na paminsan minsan ay dinadalaw ko at kinukuwentuhan. 

I sat down under our usual spot and leaned on the tree behind me.

It was so tranquil it feels nostalgic, and sad. It feels so sad. Like a beautiful story that has ended. 

Hindi ko na napigilan ang sarili at umiyak na lamang. 

I still can't accept it.

Ang hirap lang kasing tanggapin na ako na naman. Na ako ulit. Na ako na lang palagi. Masama ba akong tao? Was i some kind of a murderer on my past life? May nasaktan ba ako ng sobra para dalawang beses maranasan ito? 

I thought i was strong enough because i have been through it. Sabi ko pa nga hindi na ako magugulat. Masasaktan pero hindi magugulat.

Akala ko lang pala yun.

Because right now, i feel so shocked and betrayed. Betrayed by fate and by myself.

I'm nowhere near the acceptance stage either cause all i wanted to do is grieve. Grieve for my lost dreams once again, and grieve for my losing soul. 

Nanatili ako doon at patuloy lang na umiyak. I cried and did not notice the time that passed. Napatayo ako sa gulat dahil alas kwatro na pala.

Pero agad din akong napahawak sa punong sinasandalan nang maramdaman na naman ang sakit na iyon.

Napahinga ako ng malalim at mabilis. Mariin din akong napapikit at napakagat sa labi.

Please, not now.

"Miss?" Napatingala ako nang makita si Lukas. His eyes grew wide nang makita ako sa ganoong posisyon at kaagad niya akong dinaluhan.

Napabitaw ako sa puno at napayakap sa kanya. I just feel so weak I don't think i can go home alone.

Nanatili akong nakakapit sa kanya at tinatansya ang sakit sa likod ko.

"Okay ka lang ba?" He asked against my ears.

I did not speak and kept on breathing in and out, sinusubukang ipunin ang lakas.

Hinayaan ko ang sariling sumandal muna sa kanya nang panandalian at ipinikit ang aking mga mata.

Sandali lang naman. Kailangan ko lang talagang makabawi ng lakas.

Hindi na rin naman siya nagsalita at hinayaan lang ako sa ganoong posisyon.

I moved a little and the pain somewhat subsided it's now bearable.

Iminulat ko ang aking mga mata at laking gulat nang makita kung sino ang nakatingin sa akin, ang mga mata ay puno ng galit at sakit.

once upon a september ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon