Chapter 29 - Once more

31 0 0
                                    

I was so busy for the next couple of weeks. Aside pa sa pagprepare para sa surgery ni Rose ay may ibang pasyente rin akong kailangang asikasuhin.

There's a new kid on the ward na laging nagtatantrums. Minsan nabubuwisit na ako sa kanya pero hindi ko naman siya pwedeng pabayaan.

"Hi Maya." Bati ko sa kanya. Hindi ko sinuot ang white coat ko ngayon dahil sa tingin ko ay dahilan yun ng kanyang tantrums.

Nang makita ako ay agad siyang napatingin sa aking suot. I saw how she breathed a sigh of relief.

Poor kid. She must be traumatized of white gowns.

"How are you feeling?" Tanong ko at pinakinggan ang kanyang paghinga.

"Not okay." She said.

Napakagat ako sa aking labi. She's on worse condition than Rose. Maya has a lung disease called emphysema, something that cannot be cured and can only be slowed down by medicines. When i meet people like her, hindi ko maiwasang magpasalamat sa Panginoon na tuberculosis lang ang sakit ko. It's on moments like this that i am above and beyond grateful.

Napatigil ako sa pag iisip nang bigla na lang siyang magtantrums muli. Napatingin ako sa paligid at nakita ang bagong pasok na nurse.

"Nurse, pwedeng magsuot ka ng hindi white?" Pakiusap ko sa kanya. Napatingin siya sa kay Maya at natanto ang nangyayari.

"Okay po doc." Mabilis niyang sagot. Lumabas siya saglit at nang makabalik ay nakasuot na siya ng itim na jacket.

I continued on my check up and listed my observations on her chart. Mabait siya ngayon kaya nilubos ko nang icheck ang lahat ng pwedeng icheck.

Nanatili din ako habang ininjectionan siya nung nurse. Pero bago pa man pumasok ang karayom ay nahawi na ito ni Maya.

The needle struck my bare arms making me flinch.

"Doc!" Nagpapanic na sigaw ng nurse at saka tinanggal ang karayom. Buti na lang at hindi niya ito nainject sa akin.

She panicked even more when she saw the blood on my arms.

"Calm down." I said to her.

Nagulat na lang ako nang may humablot sa aking kamay at nilapatan ng cotton ang aking sugat.

"You're bleeding!" I looked up and saw Koa's worried face. Napakurap kurap ako, hindi makapaniwala sa nakikita. Koa being worried about me just made me so happy that I almost forgot about my patient.

Napatingin ako sa kay Maya na ngayon ay nagtatantrums pa rin. Nagulat siguro siya sa pagpasok ng nakaputing si Koa.

Hindi ko na pinansin ang aking sugat. I slid Koa's coat off him at napaatras siya sa ginawa ko.

"Hey what are you doing?" Naguguluhan niyang tanong.

"You're scaring the kid!" Galit kong saway sa kanya at ipinatuloy ang paghubad ng kanyang white coat. Mabilis ko yung tinanggal at isinabit sa lagayan sa labas.

Bumalik ako sa loob at kalmadong tinitigan ang bata. Her eyes darted between me, Koa and the nurse.

"It's okay Maya." The fear in her eyes slowly subsided at hinayaan niyang mainjectionan siyang muli ng nurse.

Napahinga ako ng maluwag nang sa wakas ay nabigyan na rin siya ng gamot.

I turned to see Koa but his casual look took my breath away. Napalunok ako at umiwas ng tingin.

"Sorry about that." Sabi ko at nilagpasan siya. I have tons of things to do at wala akong time maglandi sa ayaw magpalandi.

Charot.

once upon a september ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon