Chapter 26

322 48 0
                                    

JADEN 

Pauwi na kami ni Caseline naka upo kami sa loob ng kotse, tahimik na tahimik ang nangingibabaw na ere sa amin walang nag sasalita ni isa. Maya maya pa ay tumunog ang cellphone ni Caseline, hudyat na may tumatawag sa kanya.

"Hello,opo pauwi na po" sabi niya sa kausap niya sa telepono.

"Ha? Opo kumpleto po naka bili po, mamaya nalang pauwi na din po ako"  dagdag niya pang sabi.

Pinatay niya na ang tawag at bumalik ang tingin niya sa bintana. Ako naman itong nag dridrive lang maya maya pa ay nag salita siya.

"Sanay ka pala mag drive noh?" Tanong niya habang nakatingin padin sa may bintana ng sasakyan.

"Ahh oo 2 years ago na simula nung pinag practice ako ni daddy" sagot ko sa tanong niya.

"Ahh, swerte mo naman haha kasi ako hindi ako marunong mag drive ni bisekleta nga hindi ko alam kung paano eh"  sabi niya.

"Ha? Talaga gusto mo turuan kita pag may time lang naman"  alok ko sa kanya.

"Hindi na ikaw talaga dami mo ng natutulong sa akin" sabi niya.

"Eh ano naman sister naman kita eh"  sabi ko.

"Saka you always make me happy"  dagdag ko pa.

Napatingin siya sa akin nung pag kakasabi kong iyon.

"Bakit ganyan ka makatingin?"   tanong ko.

"Wala na bigla lang ako sa sinabi mo, paano naman kita napapasaya aber?"  Tanong niya.

"Ahh--ehh Smpre kasi kaibigan kita tapos andyan ka andito ako nag tutulungan ganon, masaya akong makatulong"  Sagot ko.

"Ahh ganon ba"  sabi niya.

"Sis, baba na dito na tayo"  sabi ko.

Tinangal na niya yung seatbelt niya, dahil nasa tapat na kami ng bahay nila at itong kotse naman ipapasok ko na sa may gate namin.
Bumaba na siya ng kotse pero pag ka baba niya kumatok siya sa bintana nito.

"Jaden? Thankyou ah, pasok na ako sa loob"  sabi niya habang kumakaway sa akin.

Kumaway nalang din ako sa kanya, pinasok ko na ang kotse sa loob ng gate namin at bumaba nadin ako pumunta ako ng compartment para kunin ang mga pinamili kanina, nung nasa compartment na ako nakita ko nakilimutan ni Caseline kunin yung kanyang mga pinamili.

"Nako naman nakalimutan niya"  sabi kong ganyan sabay kuha nito.

Naisipan kong pumunta nalang sa kanila para dalhin yung kanyang mga grocery.
Nag doorbell ako sa kanila.

"Sino yan?" Tanong ng isang matandang lalaki.

"Oh ikaw pala yan Jaden"  bungad na sabi nito pag ka bukas ng pinto.

"Ah opo, magandang hapon po naiwan po kasi ni Caseline yung mga grocery niya"  sabi ko.

"Ay bakit? Mag kasama pala kayo?" Tanong ng papa niya.

"Opo sinamahan ko po siya"  sagot ko.

"Aba salamat halika pumasok kana muna, nako yung batang yun talaga! Inabala kapa iho" sabi niya.

"Ah yun po ba? Wala po yun"  sabay pasok sa loob ng bahay nila.

"Iho, upo kana muna dyan tapos paki lagay nalang yang mga grocery sa gilid" sabi ng papa niya.



Nilagay ko ang mga grocery sa gilid at umupo ako sa may sofa nila. Maya maya pa ay may bumukas na pinto sa may kanang bahagi ng bahay.

"Uy kuya Jaden? Napadalaw ka" sabi ng kapatid niyang lalaki.

My Gay Boyfriend Turns Into A Real ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon