K A B A N A T A XI

353 26 0
                                    

Boulevard


"Uh... Are you okay?"


Napabalikwas ako nang marinig iyon.


Unti-unting nanlaki ang mga mata ko nang makita ang lalaki sa may pintuan ng classroom.



Garret standing at the side of the door, looking at me softly. His chinky eyes sparkled with gentleness and concern. Hindi ko alam kung guni-guni lamang ba iyon.



He's wearing his uniform and was holding the strap of his backpack. He looked so good dahil sa liwanag mula sa kaniyang likod. Nagmumukhang aparisyon. Angelic.



Ilang segundo pa akong napakurap-kurap dahil inaakala kong imagination lang iyon. I think I should be paid every time I admire him? Baka yumaman na ako dahil doon. Lagi na lang.


Sa huling pag-mulat ko ay nakumpirma kong totoo ang aking nasisilayan.


I probably look weird, kaya dali-dali akong tumayo saka nagpunas ng luha. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil pumasok siya sa classroom.



"A-Ayos lang..." I replied without looking at him.



Maybe I look so odd. Nakakahiya.


Kumabog lalo ang dibdib ko dahil dito.


Tumango siya at nakita ko ang paggala ng kaniyang mga mata sa mga kanto ng classroom.



Ano naman ang ginagawa niya rito? Nasa kabilang building pa ang room niya ah... Baka dumaan sa barkada?



Gusto ko sanang isatinig iyon ngunit walang lumalabas na salita sa aking bibig. Isinara ko na ang mga bintana at nataranta ako nang tumulong siya sa pagsasara sa isang side. Seriously, what is fate up to? Should I concur with it once again?




Nagmamadali kong kinuha ang aking bag habang pasulyap-sulyap sa banda niya. Lumabas na siya ng classroom saka sumandal sa may poste sa hallway.



I was closing the classroom's door pero namamawis ang kamay ko dahil sa kaba. Paano ba naman ang lapit-lapit niya lang.


"Ba't ka umiyak?" Seryosong tanong niya. "Anong problema?"


Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita siyang nakatingin sa akin. Trying to read what's on my mind.


"Huh? Hindi naman..." I chuckled. Making the atmosphere less heavy.



Besides... I don't think he remembered me. We're not even close.



Nang maisara ko ang pintuan ay maglalakad na sana ako para lagpasan siya. Maybe if it's a different day, magpapaalam ako, but dahil maraming bumabagabag sa isip ko hindi na ako nagsalita.



Iniwas ko agad ang tingin ko. Nakakakaba. He is so close, so close that it makes my heartbeat, so fast, faster than I could ever imagine.


"Tara..." sabi niya bago ngumiti.


Hindi pa ako makapag-react kinaladkad niya ako kaya naman mabilis na tumambol ang puso ko. Hindi ako makapalag man lang o ano.


His touch was electrifying. Kaya agad kong binawi iyon. He is smiling but not too much.



Before Sunset (U N O)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon