Feast
Time drifted in a heartbeat. Nasa kalagitnaan na ako ng first-semester ng aking eleventh-grade. Hindi ko alam na nagiging mabilis ang panahon. Siguro it happens like that when you're blissful.
I took STEM. I'm not certain pa about what I want in the future. But I am sure that I am interested in buildings and construction. Hindi ko alam pero noong mga nakaraang taon, iyon na talaga ang nakakakuha ng interest ko.
My Papa did not meddle with my decision and si Mama lang talaga ang ayaw roon. She wanted me to take ABM. Alam niyang inlined iyon sa business. It's fine actually, pero hindi ko nakikita ang sarili ko falling over and over sa mga businesses nila. I want my own, I will build my own name.
I'll just cross the bridge when I get there. Bata pa naman ako. Marami pang magbabago.
On the other hand, Miguel took HUMSS. Alam ko naman kung ano ang gusto niya, kaya hindi na ako nagtaka. I know he'll do well in whatever journey he'll take. Si Miggy 'yon eh.
Though most of the time ay nakakamiss siyang kasama sa classroom, ayos lang naman. Palagi pa rin naman kaming nagkakasama nila Aislyn.
"Nadia... Alis ka na rin ba?" I asked her. Nasa library kami ngayon. Wala kasing teacher ang last subject namin. I'm really excited, I'm looking forward to something.
"Oo... Teka lang at ibabalik ko 'to," sabi niya sabay pakita ng makapal na aklat. Inayos niya ang makapal na salamin na suot niya bago pinasadahan ang buhok na sumislyab.
Tumango lang ako sa kaniya habang nag-aayos ng gamit.
Nadia is still my classmate. Mabuti na iyon dahil nga siya naman ang naging ka-close ko noong junior high.
I have guy friends now, mga kaibigan ni Aislyn at Garret. I learned how to mingle a little more. I don't know why but maybe it's because of the frequent get-togethers with them. Maayos naman iyon, pero still, hindi madali.
May usapan kami ngayon ni Garret na kakain kami and that's why I'm really up for something. Nagiging ganoon na palagi lalo na kapag weekends. Dapat sana ay kasama si Miggy at Aislyn, kaso 'yon nga lang ay may gagawin daw sila.
We agreed na magkita na lang sa canteen ng building namin. Malapit lang kasi iyon palabas dito.
"Saan ka pupunta?" tanong ko sa kaniya habang naglalakad kami pababa sa may hagdanan. Marami na ring estudyante ang dumadaan dahil malapit na talaga mag-dismissal.
BINABASA MO ANG
Before Sunset (U N O)
RomanceLa Felicidad Series #1 (Completed) Talia Amanda Flores isn't fond of the attention that her family gets. As the daughter of the mayor of La Felicidad, she's expected to become out-going and to grow as a social butterfly just like her parents. Life...