K A B A N A T A XLI

250 20 0
                                    

Flushed


Everything was set already. Mula sa schedule ng project at budget ay naka-set na rin. I went to the company yesterday para ma-settle ang lahat with Mommy Lola and the project manager, as well as the subcontractors.

Masiyadong busy ang team noong mga nakaraan dahil nagstart na ang project. The groundbreaking ceremony happened last week and soon after ay nag-start na ang excavation works.

It will be a big project kaya maraming tauhan ang kailangan. The design and budget ay matagal ng na-settle. Ngayon naman ay ang temporary storage facilities ang kino-construct pati ang office.

It will take a lot of time kasi if araw-araw babiyahe papunta sa kompanya. So, the team for the project will work here. 'Yon kasi ang disadvantage kapag malalayo ang project mo, maraming time ang nasasayang sa biyahe.

And the hell, tama nga si Gavin na ang Alvarez Construction Supply ang nakakuha ng bid. It's so uneasy for me lalo na sa nakita ko noong nakaraan. Hindi talaga ako prepared sa mga ganitong mangyayari.

I mean it's okay kapag naiisip ko. Pero kapag nariyan na at nakikita ko first-hand ay para akong pinuputulan ng hininga. Ang hinihingi ko na lang talaga ay hindi kami magkasalubong dito. It will make things easier for me.

I don't know. Parang kahit sabihin kong I'm okay. I will be happy for them pero I can never deny that there is pain inside me. Kahit gaano pa katagal ang panahon ay ganoon pa rin.

The world is so unfair. Seeing the people who once hurt you, happy with each other, there will always be an unexplainable pain. Ganoon pa rin pala, maybe it wasn't because I still love him, it's because of my sentiments. Iyon ang mahirap.

Kahit gaano pa man kasakit ang mga nadama ko noon, we are all hurt differently. Maybe they were also suffering from something that's why. That's why I will never wish them pain.

I was pre-occupied with work nitong mga nakaraan at pabalik-balik pa ako sa site and sa kompanya. May mga kinukuha kasi ako doon na files at gamit para dalhin sa temporary office.

Kumukuha na rin ako ng damit sa unit ko na halos hindi naman natirhan. Palagi naman kasi akong wala.

It was better talaga na doon ako kila Aislyn. Madalas ay wala si Aislyn dahil Though pinipilit ako ni Kuya na doon na ako sa Mansion kasama sila. I'm not really that comfortable compared kila Tita Ae. Kaya naman ay mamayang hapon ay pupunta ako sa mansion. Pambawi na lang sa pangungulit ni Lola.

Every time na umuuwi ako roon ay hindi ako napapasulyap sa luma naming bahay. Parang may kung ano saakin kung masusulyapan ko man lang iyon. My bad memories will hunt me.

"What is our target date again, Engineer Flores?" asked Sir Andrada. He is the project manager para rito. He can't be around all the time dahil marami rin siyang projects na hina-handle.

"It will be mid-August next year Sir..." I said habang nililibot namin ang lugar. The land was extremely large kaya marami talaga ang tatrabahuhin. But, the man-power will be enough para matapos ito sa target date.

Tumango lamang siya bago bumaling sa assistant. "How about the supplies?"

"Dumating na po ang first batch earlier..." sambit noon.

Masiyadong mainit sa site at maingay rin. We were all busy with our works at maraming bilin si Sir Andrada. While ako naman ay kinausap ko ang assistant project manager at ang superintendent.

Maaga akong umalis sa site dahil kaunting technical works pa lang naman. I reviewed the schedule and materials sa bahay nila Tita Ae. Bukas pa kasi matatapos ang temporary office.

Before Sunset (U N O)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon