K A B A N A T A XV

321 25 1
                                    

Soon


"U-Uh... Next tim—" hindi pa ako tuluyang nakakasagot ay naglakad na siya patungo sa naka-park na motor niya. Para bang hindi niya tatanggapin kapag nag-'no' ako. His serious eyes searched if I was following him.





"Huy!" sabay tapik sa akin ni Aislyn. "Tara, kain muna tayo sa tapsihan..."




"Huh? P-Pero kasi si Kuya nasa bahay ngayon... Baka pagalitan ako dahil pinapauwi ako ng maaga..." sabi ko pero sumusunod pa rin sa kaniya. My legs are weird, I know they're long pero, automatic na sila ngayon





"Hay! Ako na bahala kay Kuya Gael... 'Tsaka hindi naman magagalit si Tito at Tita sa'yo..." sabi niya habang papunta sa motor noong boyfriend niya ata. Hindi ko sure kung ano ba talaga sila.





Para akong tanga habang nakatayo malapit sa kanila. Nakita ko ang pagsulyap ni Garret sa akin habang nakaangkas na sa motor niya. Sumampa na rin si Aislyn sa motor ni Ace at agad na inayos ang upo niya nang makita ang pagtingin ko sa kanila.


"Uwi na lang ako..." sabi ko determinado nang maglakad na lang pauwi.




Naramdaman ko ang pagdaan ng isang motor sa tabi ko. Sinulyapan ko iyon at nakita kong si Garret ang nandoon.



"Ay! D'yan ka kay Garret oh!" sabay ngisi niya saka turo sa motor ni Garret.




Agad akong umiling dahil kailangan ko nang umuwi. Mas matindi pa ang pagiging istrikto ni Kuya kaysa kay Papa.



"Pero kasi... Baka pagalitan ako ni Papa..." Sumulyap ako kay Garret na kanina pa nakatingin at mukhang pinipigilan ang pag-ngiti. " Ayaw niyang umaangkas ako sa motor..."




Garret chuckled beside me. Para bang nakarinig siya ng isang joke. Did I say something funny?




"Hindi ko naman ibabangga..." sabi niya sabay tawa.




"Kaya nga!" sabi ni Aislyn. "Go na! Wala naman dito si Tito!" sabi niya bago sinabihan si Ace na patakbuhin na iyon. Ace nga pala ang pangalan noon.



Nakaalis na sila at nandoon pa rin ako nakatayo sa tabi ni Garret. Nag-aalangan akong sumakay, dahil una, ayaw ni Papa. Pangalawa, nakakahiya masyado. Pangatlo, wala siyang license.




I mean hindi naman dito istrikto sa amin. Pero, paano kung may check-point? Well, malabo naman kasi isang kanto lang naman 'yung tapsihan dito. Pero?




"Hindi ka talaga sasabay?" sabi niya at ini-start na ang motor. "Akala ko pa naman ililibre mo ako..." sabi niya na parang nagtatampo.




I mean, okay. Sinabi ko iyon sa kaniya dati. Pero baka pwede naman next time na lang.




Kung maglalakad ako ay ayos lang naman, kaso wala si Aislyn. Ang paalam ko pa naman ay siya ang kasama ko. Baka kung hindi ako sumama ay hindi na naman iyon umuwi ng maaga at mapagalitan pa iyon ni Tita Ae.




Napapadalas talaga noong mga nakaraan ay ginagabi na siya masyado nang uwi.




"S-Sige... Sabay na lang ako..." sabi ko bago lumapit sa motor niya.




Napangiti siya dahil doon. Umamba na sana akong sasampa pero dahil nga hindi naman ako umaangkas kaya hindi ko alam kung paano ako aakyat. He chuckled because nakita niyang hindi ko talaga alam kung saan ako aapak.

Before Sunset (U N O)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon