Friends
Habang nasa kalagitnaan ng katahimikan ay sumulyap ako sa kaniya. Tumatambol pa rin ang aking puso pero pilit ko iyong nilalabanan. Hindi na rin naman kami masyado nagsasalita. Nilalasap ko lang ang simoy ng hangin dito.
Naputol ang pagmamasid ko sa paligid nang maramdaman ang pag-vibrate ng phone ko mula sa bulsa. Naka-silent kasi iyon palagi kapag nasa school.
Nakita ko ang pangalan ni Papa na tumatawag. Sinagot ko iyon.
"Hello, Pa?"
Sumulyap si Garret sa akin. Ang mga matang naniningkit ay masiyadong nakakaaliw tingnan.
"'Nak, tumawag ako sa bahay. Wala ka pa raw... Asan ka, anak?"
"Ah, Pa. Pauwi na po..."
"Ganoon ba? Kung malapit ka lang naman sa may munisipyo ay dito ka na lang dumiretso. Para sabay na tayo umuwi..." sabi niya pa.
Malapit nga ang boulevard sa munisipyo at sa plaza.
"Sige po, Pa... Hintayin mo na lang po ako riyan..." I said before ending the call.
I looked at Garret who was standing already.
"Tara na. Gabi na..." sabi niya sa akin na mukhang narinig ang tawag.
"Sa munisipyo lang ako..."
Tumango lang siya saka ngumiti.
Pinulot ko ang pinaglagyan ng tusok-tusok, wala ng laman iyon. Isinaklay ko na rin ang aking backpack samantalang naghihintay si Garret na maka-akyat ako.
Kinuha niya sa akin ang lalagyan ng fishball. Nagtama ang aming mga kamay dahil sa pagkuha niyang iyon. Parang may dumaan na kung anong kuryente mula roon.
"Ako na..." sabi niya bago itinuro ang basurahan sa may daanan.
"Ah, s-sige..."
Kitang-kita ang pagsindi ng mga ilaw ng lamp posts sa kahabaan ng boulevard. Nasakto lamang sa paglakad namin.
Kung kanina ay sumusunod lang ako sa likuran niya, ngayon pinili kong sumabay sa kaniya. Mayroong distansya pa rin.
I don't know, it seems challenging for me.
Para bang achievement iyon o baka ayaw ko lang talaga matulad noong unang close interaction namin.
Matagal na panahon bago muling naulit.
Maybe it will take months again for us to talk again? Who knows?
Ang aking pag-iisip ay napuno ng kaunting kalungkutan.
Hawak-hawak ko ang strap ng bag ko at mabagal lamang na naglalakad. Siya naman ay sumusulyap-sulyap sa akin.
Tumigil kami nang makarating sa may tapat ng Tapsihan dahil may tumawag sa kaniya, pinagmasdan ko ang mga taong nandoon. Pamilyar ang mga mukhang nandoon.
May distansya iyon dahil nasa kabilang banda kami ng kalsada. Hindi ito ang madalas namin kainan nila Aislyn. Sa bandang likod pa iyon. Pero mabenta rin dito.
BINABASA MO ANG
Before Sunset (U N O)
RomanceLa Felicidad Series #1 (Completed) Talia Amanda Flores isn't fond of the attention that her family gets. As the daughter of the mayor of La Felicidad, she's expected to become out-going and to grow as a social butterfly just like her parents. Life...