K A B A N A T A VIII

378 29 3
                                    

Bitter


After that day, hindi ko na siya muling nakita ng malapitan. Paminsan-minsan ay nakikita ko siya sa court ng school o minsan ay sa plaza kasama ang kaniyang mga naging barkada.




Madalas ko siyang makita na may katawanan o 'di kaya ka-kuwentuhan. Madali siyang naka-adapt sa buhay sa La Felicidad. Taliwas sa iniisip kong mahihirapan siya rito dahil sa nakasanayan niyang buhay sa Maynila.



Palaisipan pa rin sa akin kung bakit sila lumipat dito. Marami namang higit na magandang school sa Manila as well as opportunities. Magaling siya mag-basketball eh. According to Aislyn, si Garret lang daw at ang kaniyang Dad ang lumipat. Ang Mommy niya ata ay naiwan para sa business at pati ang mga kapatid niya ay nasa Maynila rin. So, I wonder why...




"Uy, nood tayo mamaya nang pa-liga sa plaza!" sabi ni Aislyn habang inaayos ang kaniyang buhok sa harap ng salamin.




Nandito kami ngayon sa kaniyang kwarto dahil nag-aya si Miggy na pumunta rito pagkagaling sa school kanina. Friday ngayon at maaga ang dismissal namin kapag ganitong araw.




"Ay, I want sana kaso may dinner daw kaming pupuntahan nila Dad!" sabi ni Miggy na naghahalungkat sa closet ni Aislyn.



"Hoy! wag mo papakialaman yang top na yan... Galing pa 'yan sa US! 'Tsaka may sentimental value," sabi ni Aislyn sabay agaw roon sa damit. 



"Sorry naman. Hindi ko naman kukunin..." sabi ni Miggy at napakamot sa ulo.




"Kainis!" Aislyn rolled her eyes before looking at me.




"Nood tayo..." she said while plastering her puppy eyes.



"Bawal mag NO! 'Tsaka wag ka na mag-aral dahil madali na mag-summer!" sabi niya while smiling at me.




Ayos lang naman dahil nga Friday 'tsaka wala namang mga homework. Besides, tapos ko na rin naman gawin ang reviewer ko para sa finals, so why not?




"Sige..." sabi ko sabay tango, bago bumaling muli sa aking binabasang novel.




Aalis naman kasi sila Mama at Papa. Ang flight nila ay mamayang 8. May pupuntahan daw silang seminar sa Iloilo kaya ako lang maiiwan sa bahay. Ayos lang naman dahil pwede naman akong matulog kila Aislyn kung gugustuhin ko.



I'm not really into sports but I do watch basketball kapag summer. May pa-liga kasi palagi sa plaza at madalas akong ayain ni Aislyn. Ang mga barangay sa La Felicidad ay may kaniya-kaniyang teams kaya inaabangan ng lahat.



Garret is actually a member of their barangay team. Ang iilan sa mga ka-team niya sa school ay kateam niya rin ngayon sa kanilang barangay.



I never saw him play dahil palagi akong tumatanggi kapag inaaya ako ni Aislyn. Madalas kasi ay may ginagawa ako o 'di kaya talagang ayaw ko lang.



He's nothing to me most of the time. Hindi ko gustong nire-recognize ang nararamdaman ko dati sa kaniya. It only made me confused and hurt.



I chose to guard my young heart against unnecessary feelings. Parang 'di ko kakayanin kung kakalabog ito ulit ng ganoon at mababaliw.



"Uy, andyan na raw sundo ko... Bye!" sambit ni Miggy na tinitingnan ang phone bago kumaripas ng takbo palabas ng kwarto ni Aislyn.



Kumaway lang ako sa kaniya habang si Aislyn ay busy sa kaniyang phone. Madalas kong mapansin na palaging may kausap si Aislyn sa phone at palaging nakangiti. Kapag tinatanong ko kung sino iyon ay hindi niya naman ako sinasagot.



Before Sunset (U N O)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon