K A B A N A T A VI

413 26 1
                                    

New


The next days became dull. I went back again to my normal state. I busied myself by reading books and watching documentaries. Just like how I used to before.



But sometimes, in the middle of doing something, memories of that midnight will play inside my head.



How serious he looks, how gentleman he is - everything.



I don't use social media that much, but I have a Facebook account. Ginagamit ko lang iyon sa pakikipag-communicate sa mga kaklase kapag may kailangan sa school. Other than that, wala na. There was an idea inside my head but I shrugged the thought.



I told you it will be gone soon.



Ganoon ako magka-crush. Once na hindi ko na makita, madali iyon mawala. The kilig, the excitement, the imaginations, it will all slip off easily.



Naging mabilis ang mga araw at hindi ko namalayan na ilang araw na lamang bago mag-pasukan. Hindi tulad ng mga nakaraang taon, I wasn't excited.





"Huy, Talia Amanda! Tara na roon sa cafe!" sabi ni Aislyn sabay kalabit sa akin.  Napipikon na talaga ako minsan sa pagtawag sa akin ng ganoon. Ewan, hindi ko masyado gusto na marinig ang buong pangalan ko.



Kasalukuyan kaming nasa La Hermosa para mamili ng gamit. Pumunta muna kami sa isang café para hintayin si Miggy dahil sasabay raw siya sa amin.



Umorder muna kami ni Aislyn ng drinks dahil kumain pa lang kami ng lunch sa bahay. Umupo lang kami sa may likod na part ng café para mas private. Umiinom lang ako ng smoothie nang marinig ko si Aislyn na may katawagan.



"Hmmm... Nandito lang sa café. Ayoko nga..."



Narinig kong sabi niya gamit ang malambing na boses. Kumunot ang noo ko dahil parang may kakaiba sa kausap niya. Tiningnan niya lang ako bago ngumiti.



Inalis ko na lang ang tingin ko bago bumaling sa iniinom. Pag-angat ko ng tingin ay agad kong nakita si Miggy na nasa may entrance na. Pinagtinginan siya ng mga tao sa loob ng café dahil agaw pansin ang style niya.



Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Manly ang style niya ngayon kaya hindi mo talaga mapapagkamalan. Although iba-iba naman ang type niyang style, depende lang sa mood. Of course, clothes won't define anyone's gender. Dapat nga hindi na masyado pinapakialaman ang pananamit ng iba or ina-associate ito sa gender. Wala naman iyon doon eh, choice ng tao 'yon.



Ngumiti agad siya sa amin habang papunta sa pwesto namin. Nang makarating siya sa tapat namin ay naupo siya agad.



"Asan yung drinks ko?" tanong niya.



"Wow, may patago ka bang pera!?" sambit ni Aislyn. She rolled her eyes before sipping her drink.



"Ang kuripot naman!" sabi ni Miggy pabalik.



"Ako pa talaga ang kuripot ha!" maarteng sabi ni Aislyn. Nagsagutan pa sila pabalik kaya naman nagtitinginan na ang mga tao sa loob ng café dahil sa lakas ng boses nila.



Umirap ako. Kahit kailan talaga pag nagsasama ang dalawang ito palaging maingay.



"Ikaw naman Amanda, bakit parang biyernes-santo ang mukha mo?" sabay baling sa akin ni Miggy.



"Hay, nako! Hayaan mo na yan kasi nag momove on 'yan!" sabi ni Aislyn na nagkunwaring nagpupunas ng luha.



"Move-on?!" malakas na tanong ni Miggy. "Eh paano yan magmo-move on? Wala nga 'yang boyfriend!"



Before Sunset (U N O)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon