K A B A N A T A XL

251 19 0
                                    

Wish

The night is still young pero hindi ko namamalayan na napaparami na pala ang inom ko. I'm not usually like this pero ewan ko ba.

I thought once na pumunta ako rito ay hindi ko gugustuhing manatali ng mahabang oras. It was unusual. Baka dahil sa mainit na pagtanggap saakin ni Mommy Lola.

I'm not prepared to see these people here. Well, hindi ko nga inexpect na magkikita kami dito. Parang walang pinagbago ang pait na nararamdaman ko makalipas ang mahabang panahon.

Well, I'm not expecting to see them together. Alam ko naman kasing madali lang kay Garret na makahanap ng bago. It's good that Nadia tamed him. Bravo!

Paminsan-minsan akong napapasulyap sa kabilang table at napansin ko ang pag-alis ni Nadia bitbit na ang bag. She looked disappointed or what. While si Garret ay nanatili roon at madilim ang mukha. Kausap pa rin ang mga nasa table nila.

I really don't care pero may kakaiba saakin ngayon. This is so unusual dahil most of the time ay wala akong pakialam kapag may tumitingin saakin, pero now? Naco-conscious ako.

Halos hindi maalis ang tingin niya sa banda namin kaya pati si Aislyn ay napapansin iyon. Kanina niya pa ako sinisiko.

"Alam mo bang nagtatanong 'yan kila Art kung nasaan ka?" sabi niya sabay ngisi.

Humalakhak ako. Unbelievable, ba't niya naman ako hahanapin? "You're bluffing...."

Umiling siya. "Ewan, hindi naman kasi 'yan nakakalapit saakin simula noon..."

Ipinagkibit-balikat ko na lang iyon. I'm not really interested. Besides may asawa na siya and it's been 12 years!

Sila Art ay panay tanong saakin kung saan ba ako napunta. Sinabi ko lang na sa Manila na ako pero bumalik sa region para magtrabaho.

"Tuwing hinahanap ka namin kila Aislyn ay sinasabi lang nila na masaya ka na," Philip paused. "O 'di kaya ay may asawa ka na raw..."

Napaubo ako dahil doon bago tiningnan ng masama si Aislyn. Pilya lamang siyang ngumiti. Maging si Gavin at Miggy ay natawa na rin.

Umiling ako. "Wala pa 'noh..."

Kinantyawan nila kami ni Gavin pero ang loko naman ay panay biro rin. Kung kailan daw ba ako papakasalan at panay sakay naman.

"Bukas na, gabi na eh..." he said before winking.

Hindi ko na namamalayan ang panay sulyap saamin ni Garret. Pinagtaasan ko siya ng kilay dahil sa hilaw na ngisi niya. Malayong-malayo ang aura niya ngayon. Napailing pa bago nag-iwas ng tingin.

What now?

"Nakakatampo naman 'yon Amanda... Hindi mo man lang kami binisita... Akala namin kung nasaan kan g lupalop ng mundo, 'yon pala nandito ka lang..." sabi nila pero hindi ko na naipagpatuloy pa. Something may be triggered again.

I wonder if these people knew? Hindi naman kasi nagbalita saakin si Aislyn. I think it's better na hindi nila malaman kung ano ang mayroon kila Mama noon. That would be a big scandal, lalo na Mayor pa.

Patuloy ako sa pag-inom ng mga ibinibigay ni Aislyn. May balak ata siyang hindi ako pauwiin. Actually I really need to go home dahil may mga papeles pa akong dapat ayusin. I'm also tipsy but I can still drive. Sanay na.

"Hey, I'm going home..." sabi ko kay Gavin na ngayon ay maayos ang usapan kasama sila Art. Naputol lang iyon ng tumayo na ako.

"Alis na ako..." paalam ko sakanila pero namimilit pa na manatili ako.

Babalik naman ako. Magpapakita pa naman ako sakanila. 'Wag lang makita ang isang tao na kanina pa panay ang pag-sulyap.

"Now na?" disappointed na tanong ni Miggy. Aislyn also made a face. Parang hindi na ako babalik dito kung umasta.

Before Sunset (U N O)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon