K A B A N A T A XIX

294 18 0
                                    

Crazy


"Hindi ka talaga manonood, Miggy?" tanong ko sa kaniya.



"Nope! May game rin ako!" he said habang inaayos ang buhok habang nakatingin sa phone.




Noong mga nakaraan ay napapansin ko talaga ang pagbabago kay Miggy. Hindi ko sigurado pero hindi na siya ganoon kaarte ngayon. Parang may kakaiba.




"Pero pupunta ka ba mamayang gabi?" I asked him again.




"Of course..." sabi niya sabay sulyap kay Aislyn na ngayon ay parang pinagsakluban ng langit ang itsura. "Oh, ano? Mukmok na lang forever?"




Tumingin sa amin si Aislyn, medyo mugto ang mata at hindi ginagalaw ang pagkain. Umiling lang siya saka tumingin sa malayo.





Lunch time na namin ngayon at hindi na sumama si Garret. May pupuntahan daw sila bago ang game.




Nagtinginan lang kami ni Miggy at hindi na umimik. Alam na namin kung bakit ganyan ang itsura niya. Pamilyar na pamilyar iyon sa amin.





Ayaw na ayaw ni Aislyn na tinatanong siya kapag may pinagdadaanan. Kaya naman nanahimik lang kami at hinahayaan siya.




"Gusto mong umuwi na lang tayo, Ais?" I asked her gently. "Ayos lang na hindi tayo manood..." sabi ko.




Ayos lang naman iyon sa akin. Pwede naman pumunta na lang kami mamayang gabi. 'Tsaka makakapag-laro naman sila kahit hindi ako manood.




Tiningnan niya ako. Ang mga mata ay nagpapakita ng kalungkutan at pagod. Namumula pa ang ilong niya.




"Hindi, ayos lang." sabi niya na pilit ngumingiti.




Tumango na lang ako bago tiningnan si Miguel. Pinagtaasan niya lang ako ng kilay bago umiling.




Tinuloy pa rin namin ang panonood ng game. Ala-una nang magtungo kami sa gym. Halos maraming tao na sa kanan na bleachers but doon pa rin kami naupo.




Aislyn was using her phone para malibang. Naka-earphones pa nga at walang balak na tumingin. Deadma huh.



My eyes were wandering around the gym. Maraming estudyante pero kadalasan ay mga grade eleven at twelve. Naka-color code kasi ang iba. Hindi naman kasi required na sumunod doon kaya hindi na ako nagsuot ng kulay maroon.





I saw the basketball team making their grand entrance. Naghiyawan agad ang lahat kaya agaw pansin iyon. Grade eleven pa lamang iyon pero malakas na ang sigawan.




Paano pa kaya kung grade twelve na? Eh, halos lahat ng nandoon ay may itsura kaya hakot na hakot ang buong school.




Narinig ko agad ang hiyawan ng makita mula sa entrance ang team ng grade twelve. They're wearing their gray basketball attire. Iyon kasi ang naka-assign sa kanila.




My eyes automatically followed the ever-dashing Garret Quentin Alvarez. He was smiling ear to ear. Agad na inilibot ang kaniyang mga mata sa venue, parang may hinahanap.





Kinuha ko ang phone ko para i-text siya. I wanted to say my good luck.



Talia Amanda:

Good luck, Captain!



I sent my message immediately.



Sinulyapan ko si Aislyn na wala pa ring pakialam sa mundo. Masyadong malakas ang music mula sa earphones niya kaya rinig na rinig ko.




Before Sunset (U N O)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon