K A B A N A T A XXI

263 20 0
                                    

I'm here


I was looking at my reflection when I heard a call sa phone ko. It was Garret calling me. Alam ko na agad kung bakit siya tumatawag.



Today is Sunday. Inaya akong magsimba ni Garret and may pupuntahan din naman kami pagkatapos sabi niya.



Noong mga nakaraan din ay napapadalas ang paglabas namin kasama sila Aislyn. Minsan na ngang sumama si Miggy kaso ayun, busy rin siya. Marami rin kasing takehome activities kaya ganoon.



Semestral break kasi ngayon at dapat sana ay magbabakasyon kami nila Papa. 'Yon nga lang na-cancel dahil may seminar silang a-attendan. Of course, as usual, ay kasama pa rin si Mama.




"Hello..." I answered his call.




"Nandito na ako sa labas..." sabi niya. Voice, deep and soothing.





Tiningnan ko ang orasan. Quarter to three pa lang and 3:30 pa naman magsisimula ang misa. I don't know why he's so early.




"Aga mo..." I said. Pero ayos lang naman dahil nakabihis na ako. Natawa na lang siya dahil sa sinabi ko.






"Wait lang, bababa na ako..." sabi ko naman sa kaniya before ending the call.



Pinasadahan kong muli ng tingin ang aking suot. I chose a gray windowpane jumpsuit. I paired it with my white sneakers para komportable.



Though kung makikita ito ni Mama papagalitan niya lang ako dahil 'di niya gusto ang style ko.




Ewan ko ba, noon kahit lumabas akong hindi man lang tinitingnan ang suot ay ayos lamang. But now, ewan. Para bang there is a need to look... nice?





Pababa na ako nang makasalubong ko si Kuya at may bitbit na laptop. He's been really busy sa mga nakaraang araw and masyadong masipag. Napatingin siya sa akin. 


"Magsisimba ka?"





"Opo... Kasama ko po ang kaibigan ko," sabi ko habang inaayos ang buhok.



Kumunot ang noo niya. "Sino?"



"S-Si Garret po..." nag-aalangan kong sabi sa kaniya.




Lalong naglapit ang mga kilay niya. "Alvarez?"



"Opo... Nasa labas na po. Naghihintay..." pagpapaliwanag ko.




Tumango lang siya sa akin bago nagpatuloy paakyat. Ngunit lumingon siyang muli sa akin.  "Anong oras ka uuwi?"





"H-Hindi po ako sigurado... Baka may pupuntahan pa po kami." Makahulugan niya akong tiningnan at may sasabihin pa sana pero tumalikod na lang siya.




Nagkibit-balikat na lang ako bago dali-daling lumabas. I saw a black car parked near our gate. Alam ko na agad na kay Garret iyon.





After a few weeks noong birthday niya, niregaluhan siya agad ng Daddy niya ng kotse. Kaya nagulat na lang ako bigla dati ng makita siya sa labas ng school, nag-aabang. Well, it's common for their family to have it all.




Binuksan ko kaagad ang gate at nakita ko ang pagbukas ng pinto sa driver's side. Malaki ang ngiti ni Garret kaya nginitian ko rin siya.




Before Sunset (U N O)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon