Mysterious
Agad din akong umalis nang hapon na iyon dahil may sunod pa kasing subject. Naiwan siya roon dahil wala pa raw siyang klase. I don't know if it's true though. Pangiti-ngiti lang siya na para bang sarili niya ang oras, ang mga susunod na araw. As if there's no burden present in his life.
After that encounter hindi ko na siya muling nakasama pa. Not that I'm expecting to see him often. I know what a friend is, I know that we have different priorities and likes.
Alam ko naman na iba ang schedule namin and besides mukhang hindi naman seryoso ang sinabi niyang gusto niya ang spot na iyon. Maybe he's just bored.
Or maybe, pumupunta naman siya roon pero wala ako. Busy rin kasi ako sa sumunod na mga activities sa school.
Uwian na ngayon at naglalakad kami ni Miggy papunta sa building ng Senior High. Early dismissal ngayon dahil Friday. Which is a good thing na rin since nakakapagod ang school.
Nagpapasundo kasi si Aislyn at gusto niya raw sumabay sa amin ngayon. Nakakapagtaka iyon dahil hindi naman siya madalas sumama noong nag senior high siya. I'm not sure what's going on, maybe she's just really busy 'studying' - more like dying for someone.
"Miggy..." sabi ko.
"Yes?" sabi niya bago sumulyap sa akin.
"Saan daw tayo pupunta?" tanong ko sa kaniya. His soft but also immense stare pointed at me. Can't deny that this person is really good-looking without even trying.
"Aba, malay ko diyan sa maarte mong pinsan!" sabi niya sabay irap.
"Porke't kasi nag-away... sasabay sabay sa'tin!"
"Oh? Nag-away na naman?" kuryoso kong tanong. I don't know what's with Aislyn dahil parang palaging stressed sa mga ganap niya pero gustong-gusto pa rin naman.
Normal na ata iyon sa kanila.
Tumango-tango lang sa akin si Miggy bago muling nag-phone. Tinititigan ko na lang ang mga posteng dinadaanan namin, sinusubukang bilangin iyon habang sinusuri ang mga detalye. I'm just bored and interesting lang para sa akin. Weird ba?
Nang makarating kami sa tapat ng building ay nakita ko ang mga naglalabasan na estudyante. Naupo kami ni Miggy roon sa may bench malapit sa computer room.
"Ano ba yan? Ang tagal naman!" sabi ni Miggy habang nag-phone. "Baka lumandi na naman!"
"Huy! Mapapaghalataan ka sa arte mong 'yan!" I laughed. Ang arte-arte talaga, nasobrahan pa naman sa bunganga. Parang si Ais lang, both of them are vulgar. Ewan ko ba.
Tumawa na lang ako dahil sa itsura niya. Hanggang ngayon kasi ay hindi niya pa rin naaamin sa parents niya. Kahit dito sa school ay hindi din alam ng mga tao. I know it's difficult but I really hope one day he'll find the freedom. Wala namang masama roon.
Hindi naman kasi mahahalata iyon. Marami pa rin ang nagkakandarapa sa kaniya. Lalo na sa Junior High. Madalas nga ay napapag-initan ako ng iba dahil inaakalang may something sa amin. God knows na mas madalas pa 'tong maghanap ng pogi kaysa sa akin. Hobby na ata nila 'yon ni Ais, syempre nadadamay na lang ako.
Miggy is really good-looking and matikas, pero yun nga he's a softie.
"Uy, shit!" napatingin ako kay Miggy dahil sa reaction niya.
BINABASA MO ANG
Before Sunset (U N O)
RomansLa Felicidad Series #1 (Completed) Talia Amanda Flores isn't fond of the attention that her family gets. As the daughter of the mayor of La Felicidad, she's expected to become out-going and to grow as a social butterfly just like her parents. Life...