Chapter 1

301 8 0
                                    

Chapter 1

Save

Hindi ko maalis ang titig sa bawat matatayog na punong nadadaanan. Kung kanina ay may nakikita pa akong mga kabahayanan, ngayon ay purong mga matataas na puno nalang. Pero hindi pa rin nito natatago ang kabukiran sa malayo.

Malayong-malayo na kami sa lungsod. Malayong-malayo sa mga pangarap ko.

Napahinga ako nang malalim at unti-unti ko na namang nararamdaman ang pagguho sa aking puso.

Slowly, my dreams I was trying to reach is now shattering in pieces. Hindi ko rin maiwasan isisi sa sarili ko dahil sa pagpupumilit ko kumawala ay lalo lang akong nakulong. Maybe... it's not just for me.

Dreaming is prohibited for someone like me. I'm privileged of resources but I am lacking support. I should stop living it.

Forgive me, if I can't help but feel the sudden rage for my parents piling up within my chest. They are the culprit behind the death of my dreams.

A tear fell on my cheek when I gradually realized that my situation is slowly poisoning me. And I pray hard that someone would come to suck the venom out of my veins.

I hope.

"Sinasabi ko sa 'yo, Ambrocio! Bakit ba kasi pinayagan mo 'yan mag-artista?!" galit na galit si Mommy nang makarating na sa kanila ang balita.

"Kumalma ka, Celestine!" si Daddy.

I was slowly getting irritated by the words of my mother. I'm only twenty-two, but why does it feel like I am not allowed to commit mistakes? I can learn from them!

How am I supposed to grow? Why is it always about the image? Why is it always about the outside? I just don't understand why it can't be about the passion? Why it can't be the things that will satisfy you?

I almost cringed when I heard my Mommy defending Miguel, my soon-to-be husband. Narito kami sa opisina ng mansion at nagtatalo ang aking dalawang magulang.

"Kalma? Napanood mo ba 'yung video? Sinabunutan niya 'yong babae at sinampal niya si Miguel!" mommy remarked hysterically.

Because that's what they deserved!

"He cheated on me, Mom. What should I react then?" I heavily sighed. Ayaw ko na sana makisali sa pagtatalo nila pero nagagalit na rin ako dahil sa matatalim na salita ni Mommy na kayang pigtasin ang inipon kong pasensya.

"Couldn't you calm down? Couldn't you hold your anger? Bakit kailangan mo maging bayolente?!"

Mali ba ang naging reasyon ko?

I'm sorry if the thought of wondering how she would react if she caught my father cheating on her drifted on my mind.

"It's Miguel, anak ng Presidente, Frances! Nakakahiya ka. Itigil mo na 'yang pag-aartista mo..." si Mommy. Huminto siya para punasan ang luha na nakatakas sa kaniyang mata. Tingin ko ay luha ng galit. "Ambrocio, kausapin mo 'yang anak mo," dagdag niya bago padabog lumabas ng opisina.

Bumuntong-hininga ako at pinunasan ang luha na bumagsak sa aking pisngi. Hindi ko na rin kayang iangat pa ang aking ulo sa lahat ng kahihiyan na ipinaramdam nila.

Alam ko naman ang naging pagkakamali ko. Pero hindi naman nila kailangan ipagsigawan at ipamukha sa akin. Buong-buo ko naman tatanggapin.

I don't believe that discipline should be this painful. Discipline should make you realize your wrongs, it should give you the courage to make it right.

Not to make you feel ashamed or stupid.

Agad kong tinabunan gamit ang dalawang kamay ang aking bibig nang marinig ang sariling hikbi. Dahil sa mga luha na 'to lalo lang akong nababaon sa inuupuan ko.

She Loved, He Fought (The Daughters' Series #1)Where stories live. Discover now