Chapter 13

147 5 0
                                    

Chapter 13

Belong

Ends are not often the end. There are times, that it's only a beginning.

Hinatid muli ako ng kalesa ni Mayor pabalik sa bukid. Iyon ang napagkasunduan ni Elias at ni Mentos, ang nagmamaneho ng kalesa.

After we bid our temporary goodbyes, I pushed myself to move forward. Not just for me, but also for Elias. I know that it would be selfish of me to stay lonely, because for sure, Elias doesn't want that to happen. He wants me to continue my life, alive and happy.

A sigh escaped from my lips. I couldn't really name what I was feeling.

My eyes closed involuntarily as I welcomed the cold midnight breeze, embracing my delicate skin. And the sound of the rustling leaves and the audible ripples of brook somewhere─ sent a gush of electricity across my body as if I was touched of nostalgia. As if the chimes of my freedom were ringing.

Buong byahe ay nakapikit lamang ako, siguro kung may papansin man sa akin ay aakalain na natutulog ako. Pero ang totoo ay naglalakbay din ang isip ko, hindi pasulong kundi paatras. Binabaybay nito ang nakaraan at kung paano ba talaga ako napunta sa karakter ni Elena. Elena is the most authentic character that I played because she lived like a real human.

Hanggang sa hindi ko namalayan na bumangon na pala ang pang-umagang araw at palabas na kami sa bukana ng gubat.

"I am almost home," my words flew along with the wind.

Minulat ko ang aking mga mata at kusang kumurba ang aking mga labi nang matanaw ang aking tahanan.

Ngunit napawi rin agad ito nang mahagip ang tatlong kabayo'ng puti na nakahilera sa tapat ng bahay namin. Napalitan ito ng kaba at panunuyo ng lalamunan.

"Wala rito ang hinahanap niyo!" rinig kong galit na sigaw ni Elisse.

"Hindi namin kilala ang tinutukoy niyo!" si Nanay.

Huminto si Mentos sa tapat ng aming bahay at walang pag-aalinlangan bumaba ako at tinakbo ang natitirang distansya papasok ng bahay. Napukaw ng aking paningin si Nanay at Elisse na ngayon ay mahigpit na hawak ng dalawang makisig na lalaki.

Nalaglag ang panga ko sa naabutan.

Magulo ang lahat ng gamit ng bahay, ang mga lamesa ay nakataob, at ang mga upuan ay putol na ang mga paa. Tila ba'y kanina pa nila hinahalughog ang bawat sulok dito.

Tears pooled my eyes, and those tears were combination of wrath, pain, and trauma. Halos hindi na rumehistro sa aking isip ang lahat ng nangyayari.

"Ikaw ba si Frances?!" tanong ng isa pang lalaki na kalalabas lang galing sa kwarto ni Elias.

Unti-unting lumapit ang lalaking nagtanong. Sa gitna ng panginginig at takot ko ay nagawa ko pang umatras.

"Anong pinagsasabi niyo! Hindi namin kilala 'yang Frances na sinasabi niyo!" Elisse yelled.

Caught in the moment, I couldn't utter even a single word. Nabato na rin ako sa aking kinatatayuan. Katulad ko ay hindi na humakbang pa palapit ang lalaki, hindi ako tuluyan nilapitan. Hindi niya rin ako hinawakan nang marahas kabaliktaran sa ginawa ng kaniyang mga kasamahan kina Nanay at Elisse.

Bagkus, pinasadahan niya muna ako ng tingin simula ulo hanggang paa, nambibintang at naninigurado ang malawin nitong mga titig.

"Pakawalan niyo si Nanay!" pagpupumiglas ni Elisse.

"Wala kaming alam sa sinasabi niyo, parang-awa niyo na. Pakawalan niyo kami ng anak ko," pagmamakaawa ni Nanay.

Ang tunog ng hikbi at garalgal na mga tinig ang mas lalong nagpausbong sa akin ng galit.

She Loved, He Fought (The Daughters' Series #1)Where stories live. Discover now