EPILOGUE
"Pag-isipan mo nang mabuti, Elias," si Mayor pagkatapos ako alukin ng transfer sa University of Washington School of Law sa Seattle.
Tumango ako.
"Nakikitaan kita ng malaking potential. Kaya huwag mo sana ito i-turn down, magandang oportunidad 'to. At kung ang iniisip mo naman ay ang makakasama roon, nandoon naman ang anak ko, si Brianna," dagdag pa nito.
Muli akong tumango. "Pag-iisipan ko po."
Mayor Frederick eased back, taking off his thick glasses. "Good. Isa pa, ito ang gusto mo para sa tatay mo, 'di ba? Pagkakataon na ito."
Unang taon ko sa law school ay nagawa kong pagsabayin ang trabaho, pag-aaral, at pag-aayos ng requirements para roon. Hindi pa man din buo ang desisyon ko pero gusto ko na maayos na ang lahat ng kakailanganin kung sakali man na magbago ang isip ko. Hindi ko rin alam kung kaya kong tanggihan si Mayor.
Nakapagtapos ako ng kursong Secondary Education major in Mathematics. Pagkatapos makapasa ng LET ay sinubukan kong mag-apply sa public school malapit lang sa bayan at doon ko rin nakilala si Mayor ng personal. He offered me scholarship in law school right after I passed my application and resume to that school. Aniya narinig niya ang balita tungkol sa tatay ko at kahit siya duda sa nangyari. Lalo na't ang mga Velez ang nakabangga, pamilya ng mga matataas at sikat na abogado sa bansa.
But I eventually declined the offer without further thinking.
I knew that I always wanted to be a lawyer, but thinking about my circumstance made me realized that it's not the right time to pursue that dream. Siguro kapag nakatapos na lang si Elisse ng kolehiyo. Uunahin ko pa ba ang sarili ko?
However, it just took one night to bend my original plan.
"Anak, bakit mo hindi tinanggap ang offer ni Mayor?" si Nanay Flordeliza matapos ko ikwento sa kanila sa harap ng hapag ang alok ng Alkalde.
Bumuntong-hininga ako. "Nag-aaral pa si Elisse, saka nalang po iyon."
"Minsan lang kumatok ang oportunidad, Elias."
Yumuko ako at ipinagpatuloy na lamang ang pagkain.
Naisip ko rin naman iyon, tama si Nanay na hindi sa lahat ng pagkakataon kumakatok ang biyaya. Lalo na sa sitwasyon namin; ginto ang oportunidad para sa mahihirap.
Ngunit ayaw ko rin maging makasarili. Nag-aaral pa ang kapatid ko at malapit na rin magkolehiyo kaya kung tatanggapin ko man ang alok ng Alkalde sigurado ay kailangan kong mag-settle sa mas mababang oras at sweldo na trabaho. Sa trabahong alam kong hindi kayang sustentuhan ng sabay ang pangangailangan namin at pag-aaral ni Elisse.
"Pwede naman akong huminto, Kuya," singit ni Elisse.
Nag-angat ako ng tingin at malamig siyang tinignan. "Hindi ka hihinto, Elisse."
Agad nalipat ang tingin ko kay Nanay nang padarag niyang binitawan ang kubyertos.
"Elias! Paano ang tatay mo? Hahayaan mo na lamang mabulok siya sa kulungan?"
Umiling ako. "Hindi nam─"
"Oo nga si Tatay, Kuya..."
Binalik ko ang mga mata kay Elisse at parang may pumukpok sa puso ko nang nakita ang luha na tumulo sa kaniyang pisngi.
Her need for a father and how she longed for a complete family appeared through her eyes.
Napalunok ako at ang gabi ng alaala na tila bangungot sa pamilya ko ay nanumbalik.
YOU ARE READING
She Loved, He Fought (The Daughters' Series #1)
RomanceThe Daughters' Series #1 The book is mainly about the love story of Frances and Elias in the world of politics. Not a political book. This is just a work of fiction; therefore all the scenes affiliated to politics are not true and are only used to...