Chapter 9

150 5 0
                                    

Chapter 9

Fierce

I wish I could bribe the universe to make it condescend in my side instead. Hindi ko kasi maitatanggi kung paano ako sinusuplong ng aking sarili tuwing iniiwasan ko si Elias.

"Elias..." I muttered wearily.

Hindi ko kayang sabihin na 'hindi na'. Kahit 'yun naman ang tama parang ang hirap pa rin. Hindi ko kayang bigkasin dahil hindi kaya ng bibig ko ang pait ng lasa nito.

"Hindi pa 'di pa?" his deep voice held a glint of hope.

And that tone makes it harder for me to say 'no' to him. I realized that at this instant, 'no' is next to impossible.

"Elias... you know what's right," I said.

He heaved a deep breath. "So hiwalay na talaga?" he inquired in disappointment.

My eyes immediately closed as I suddenly felt pain rushing in my veins. Dahan-dahan niyang binitawan ang braso ko at hindi ko alam kung bakit mas lalo akong nakaramdam ng sakit sa pagbitiw niya.

"Matulog ka na ulit."

Tumango ako at bumalik sa kaniyang silid. Hindi ako nakatulog no'ng gabing iyon, hindi ko kayang ipanatag ang puso ko. Paulit-ulit sa akin ang tanong niya, hindi ko sinagot na hiwalay na kami pero sa tono niya ay parang gano'n na nga.

Siguro naman ay may nahanap na siyang trabaho at matutuluyan ko, hindi ba? Ayaw ko na umasa sa kanila at lalo na sa kaniya.

Kinabuksan umagang-umaga pa lang ay nasa bahay na si Ronald. Nagulat ako roon pero nang sabihin niya na sasabay siya sa amin sa pamamalengke ay agad ko naman naintindihan at nagkibit-balikat nalang.

"Pareng Elias! Nandito ka pala ngayon!" nakatingala na bati ni Ronald kay Elias, tinapik niya pa ito sa balikat. "Kamusta?"

Hindi pa nakakasagot si Elias ay agad na lumakad papunta si Ronald sa akin nang masilayan niya ako sa palabas ng kusina.

Sinalubong ko naman ng ngiti si Ronald habang sinusuklay ang basa kong buhok. Naligo muna kasi ako bago kami gumayak patungo sa palengke.

"Ang ganda mo talaga, Elena!" he pinched my cheek.

Uminit bahagya ang pisngi ko dahil sa hiya. Obviously, someone's watching us.

"Namumula ka na naman, ikaw talaga!" Ronald poked my dimples. "Tara na, Elena! Sasamahan na kita!"

Bago pa ako sumang-ayon ay nagsalita si Elias. "Wala ka bang trabaho, Ronald?" tanong niya.

Oo nga pala, wala ba siyang kakargahin ngayon?

Agad naman nakuha no'n ang atensyon ni Ronald. Lihim akong nagpasalamat dahil naiwaksi ni Elias ang atensyon sa akin ng lalaking 'to.

Ngumisi si Ronald. "Day off, boss!" masayang sagot nito.

Tumango lang si Elias kaya naman nahatak na ako ni Ronald palabas ng bahay. Hindi ko na nga rin nagawa pa magpaalam kay Elias as if that's necessary, though.

"Teka si Elisse!" pigil ko kay Ronald. "Tawagin ko lang siya, babalik ako sa loob."

Umiling agad si Ronald saka ako binigyan ng matamis na ngiti.

"Hindi siya makakasama, Elisse. Sabi niya kasi tayo raw muna dalawa," he reasoned out.

"Pero wala ako-"

He stopped me from speaking out.

Sasabihin ko sana na wala akong pera para makabalik ako na sa bahay pero pinigilan niya na naman ako.

She Loved, He Fought (The Daughters' Series #1)Where stories live. Discover now