Walang proofread :(
--
Chapter 5
Tahanan
Hindi ko na sila pinakinggan sa mga awat nila. I just went out from their house without knowing where to go. I've been like this for almost two or three days. Wala pa rin nagbabago.
Dire-diretso ako palabas ng kanilang bahay. I don't know but these scenes kept replaying in my mind. Lagi akong tumatakbo paalis at sa huli wala akong mapupuntahan.
Huminga ako nang malalim saka tinanaw ang bukid. Sunod kasi ng bukid ay ang mukhang walang hanggan na kagubatan. Umaasa pa rin ako na may matanaw na patag na daan o kahit mga bahay bukod dito kila Elias. Baka sa iba pwede ako magpalipas kahit isang gabi lang.
Huminto ako sa ilalim ng puno sa gitna ng bukid. Tumitingkayad-tingkayad pa ako para lang makita nang mas malinaw ang mga dadaanan ko at para na rin mapagplanuhan kung saan ako tutungo. May natutunan din naman ako sa mga pagtakbo ko sa gubat kahit paano 'no.
According to my time estimation, I am going to reach the entrance of the forest by exactly thirty minutes if I run fast. Pero kung lakad naman siguro ay aabutin pa ako ng isang oras.
"Kung tatakbo naman ako mapapagod ako," bulong ko sa sarili.
Naisip ko kasi na kailangan ko pumasok sa gubat na 'yon dahil ayon sa nakikita ko ito lang ang tanging daan para makatawid at baka ro'n ko na rin matunton ang bayan na sinasabi nila.
Hindi ba ako maliligaw? Kapag ba pumasok ako sa gubat na 'yon ay diretso lang ang daan? Mukhang kailangan ko ng compass.
Napasapo ako ng noo nang maisip na mukhang mahirap ang misyon na ito. It's easier said than done.
Kailangan ko rin pala ng pagkain. Saan naman ako kukuha no'n? Naalala ko sinabi ni Nanay na mamimitas daw si Elisse do'n sa Mayor. Baka sa bayan 'yon? O kung hindi man baka pwede ako sumama at mamitas para baon na rin sa aking paglalakbay?
Huminga ako nang malalim nang mapagtanto na kailangan kong bumalik kila Elias. Kailangan kong lunukin ang pride ko para na rin sa sarili. Bumalik ako sa kanila hindi rin naman matagal na lakad iyon dahil nasa malapit palang ako noong himinto.
"Ate, buti bumalik ka! Nabigla lang si Na-"
I instantly cut her off by waving my hand. I smiled at her. She's still welcoming me and that's making me feel more indebted.
"Hindi, Elisse..." I paused when my eyes caught a familiar man walking towards our direction. "Last na talaga, Elisse. Baka pwede sumama sa pamimitas mo 'yung sinasabi ni Nanay," I said shyly.
My heart was starting to pound harsh against my rib and I was also sweating bullets when I learned that Elias is now near us, standing proud with his arms akimbo.
"Ate, walang problema 'yon! Dito ka na ba ulit matutulog?" she shrugged my shoulder and hope was evident in her eyes.
Bigo ko siyang tinignan. I know one more night under the same roof with them is already too much. I should learn how to survive without depending with someone else.
"Hin-"
"Oo, Lisse," Elias intervened.
Nanlaki ang mga mata ko at mas lalong lumakas din ang kabog ng aking dibdib. Nilingon ko siya at tinaasan lang ako ng kilay.
Anong 'oo'?!
"Totoo ba, Ate?" masayang-masaya na tanong ni Elisse. Bago pa ako makatanggi niyakap niya na ako habang nagtatalon sa tuwa.
![](https://img.wattpad.com/cover/223810380-288-k109606.jpg)
YOU ARE READING
She Loved, He Fought (The Daughters' Series #1)
RomanceThe Daughters' Series #1 The book is mainly about the love story of Frances and Elias in the world of politics. Not a political book. This is just a work of fiction; therefore all the scenes affiliated to politics are not true and are only used to...