Chapter 4

185 7 0
                                        

Chapter 4

Burden

"Magluluto ka, Kuya?" tanong ni Elisse.

Nanatili kaming nakaupo harap ng hapag-kainan nila. Minsan ay nagtatanong pa si Nanay tungkol sa akin. Si Elias lang ang nasa kusina at may hinihiwa na kung ano.

Hindi sumagot si Elias at patuloy lang sa ginagawa. Even though only his back I'm seeing, I can't still deny that he's radiating a fresh aura. Basa pa rin ang buhok nito na malaya lang nakaladlad ng kaunti sa malapad niyang balikat.

"Lisse, kumuha ka ng malinis na tela," utos nito. Tumayo naman si Elisse at sinunod ang Kuya niya.

"Hija, kahit tatlong araw pwede ka rito gawin mo na rin 'yon na pagkakataon para makapaghanap ng matutuluyan. Hindi ko lang alam kung maihahatid ka ni Elias sa bayan, may pasok kasi 'yan," si Nanay.

Tumango lang ako at sumimsim sa tasa ng tsaa na binigay ni Elisse.

Nakabalik na rin si Elisse na mukhang galing sa kanilang silid para kumuha ng puti na tela.

"Para saan 'to, Kuya?" tanong niya bago inabot sa lalaking nakatalikod.

Hindi na naman sumagot si Elias bagkus hinarap ang kapatid niya para kuhain ang tela bago nilagpasan. Nakita ko kung paano sumimangot si Elisse sa kasungitan ng Kuya niya.

Lihim akong napailing.

Hindi ko namalayan na lumapit si Elias sa akin. Nasa likod siya ng upuan ko at walang isang segundo ay nagawa niyang hatakin ito ng marahan.

Lalong gumuhit ang gulat at pagtataka nang lumuhod siya sa gilid ko. His one leg was on the floor, and his thigh was elevated with his other leg as its support. Seryoso lang din ang mukha.

"A-Anong ginagawa mo?" nauutal kong tanong.

"Gumilid ka ng upo. Gagamutin ko 'yang mga sugat mo," saad nito.

Kahit gulat pa rin ay wala akong nagawa kung hindi sundin ang gusto niya mangyari. He's really commanding. Parang kayang-kaya niya ako pasunurin sa lahat ng nais niya nang walang kahirap-hirap.

He slowly lifted my right leg and put it in his elevated other leg.

Pinanood ko siya kung paano lagyan ng bawang ang mga maliliit na sugat. Hindi naman masakit noong una pero 'yung huling nilagyan niya ay medyo kumirot. Malalim siguro ito.

Kinagat ko ang labi ko at pinikit nang mariin para wala akong ingay na malikha. Nakakahiya naman kay Elias. Baka akalain niya pa na nagrereklamo ako. Pagkatapos niya ibalot ang kanan ng puting malinis na tela ay gano'n din ang ginawa niya sa kabila.

Napalunok naman ako nang matapos siya sa ginagawa.

Tumayo na siya at hinawi ang buhok. Hindi ko siya nakitaan ng kahit isang tuldok ng pawis kaya siguro naman hindi siya nahirapan o nabigatan sa akin 'di ba?

As if that matters, Frances. You're hilarious!

"Mas mabilis gagaling 'yan dahil sa bawang na nilagay ko," Elias said.

"S-Salamat Elias," sabi ko. Tahip tahip na rin ang kaba sa aking puso sa hindi malaman na dahilan. Siguro naiilang lang talaga ako sa kaniya.

"Pagalingin mo muna ang sugat mo, Elena. Bago ka umalis dito," sabi ni Nanay.

"O-Opo, salamat po."

Pagkatapos ay naghain na si Elisse at Nanay ng tanghalian. Mabuti nalang dahil nagugutom na rin ako, hindi ko na kayang mahiya pa. Ayon sa kanila, hinintay talaga nila si Elias makabalik para sabay sabay makapagtanghalian kaya hapon na nang nakakain kami.

She Loved, He Fought (The Daughters' Series #1)Where stories live. Discover now