Chapter 7

167 6 0
                                        

Chapter 7

Burned

Naging abala kami ni Elisse sa paghahanda para sa simpleng birthday party mamaya kay Elias. Kanina pagkatapos namin mamalengke ay gumupit kami ng mga colored paper sa hugis na tatsulok. Kulay itim at dilaw ang mga ito, 'yun lang kasi ang mga natabi ni Elisse sa gamit niya noong nag-aaral pa siya. May mga sulat pero pwede na rin dahil nagmukha naman itong banderitas.

"Ate, bawal talaga pumitas diyan!" sambit ni Elisse habang pinipigilan ako sa pagbunot ng mais.

"Dalawa lang naman! Hindi naman nila mapapansin 'yan," pagpupumilit ko.

Hindi niya ako napigilan sa mga gusto ko. Sinama ko kasi siya rito sa bukid ng Alkalde para kumuha ng iba't-ibang gulay para handa sa kaarawan ni Elias. Mabuti nalang talaga ay abala siya sa pag-aaral at pumayag naman na gamitin namin si Rio. Napansin ko rin na parang normal na araw lang ito sa kanila pero siyempre sa akin hindi.

"Ate, tama na!" pagmamaktol ng kasama.

Pagkatapos namin sa pamimitas ay sinubukan ulit namin bumalik sa palengke. Nakalimutan ko kasi na kailangan pala ng cake!

"Baka may pera ka pa riyan," I said to Elisse.

Inirapan niya ako at naglabas ng twenty-peso bill. I smiled involuntarily. Lumapit na kami sa tindahan ng mga softdrinks, naalala ko tuloy bigla si Ronald. Ilang araw na rin siya hindi nagpapakita sa akin at noong minsan pa na nakita ko siya ay umiwas naman siya.

"Ate, pabili po ng tatlong fudgee bar," sabi ko tindera bago inabot ang bente pesos.

Agad kumunot ang noo ng babae.

"Kulang 'yan, siyete isa," masungit na sabi nito.

"Ang mahal naman!" angal ko.

I turned to Elisse. She's pouting and looked very annoyed. I bit my lower lip, I have no choice. Wala naman talaga kasi akong pera kahit piso man lang.

I sighed.

"May piso ka pa riyan?" I said shyly.

She frowned at me. "Ate, wala na! Last na 'yang bente."

Tumango ako at hinarap nalang muli ang tindera.

"Ate, piso nalang naman! Baka pwede mo na ibigay sa amin, sige na..." pagmamakaawa ko. I've never done this before, I was the keep-the-change person but never mind. I really want to pull off this birthday party!

"Mawawalan kami ng tubo riyan, malulugi kami."

"Lugi agad? Hindi 'yan. I know business cares about their customer. They say, customer is always right. Kaya ibigay mo na sa amin!"

Bumuntong-hininga ang babae at walang nagawa kundi ipaubaya ang tatlong fudgee bar sa amin. Bahagya pa ako nainis sa pag-irap at pagtaas ng kilay niya sa akin pero hindi ko na lang pinansin. May mabuti naman siyang kalooban.

Sakto pag-uwi namin sa bahay ay wala si Elias. Ang sabi ni Nanay ay nasa kamalig daw siya at may inaayos. Kaya hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon para isabit ang ginupit namin kanina ni Elisse sa dingding ng bahay. Ang tatlong fudgee bar ang nagmistulang cake, nilagyan ko rin ng kandila sa gitna.

All was set for Elias' twenty-fifth birthday party!

Sinara namin ang pinto at lahat kami ay nasa likod nito. Hinihintay ang pagkatok ni Elias. Kaya naman nang maramdaman namin na nasa pinto na siya ay tahip tahip ang kaba sa aking dibdib. Hindi na rin mawala sa akin ang mga ngiti. I'm so excited to see his reaction! And I hope he'd appreciate our effort.

She Loved, He Fought (The Daughters' Series #1)Where stories live. Discover now